May dalang kakaibang ligaya ang mga hayop sa ating mga tao. Sa tuwing nalulungkot tayo ay madali nila tayong napapangiti at napapasaya.
Nariyan ang mga hayop na nakakasama natin dahil sa mga partikular na kondisyon natin sa kalusugan – pisikal man o emosyonal. Marami ang nagiging benepisyo ng mga alaga nating ito sa atin at sa ating pamilya.
Kahit na talagang marami tayong kinahaharap na mga problema at pagsubok, tila ba gumagaan ito dahil sa ating mga alaga. Dahil sa pagmamahal at pagkalinga natin sa kanila ay mas magiging masaya din sila kasama tayo at ang ating buong pamilya.
Walang makapapantay sa ugnayang ito na mayroon tayo. Kinagigiliwan ngayon ng publiko ang video ng isang golden retriever na ito na tila nais makisalo sa snack ng isang pasahero ng eroplano.
Sa apat na kuhang larawan ay makikita kung gaano kasabik ang aso sa naturang pagkain. Ito ay isang “prawn crisp snack” na talaga namang paborito rin ng nakararami.
Maliban sa kumakalat na video ng asong ito ay makikita rin ang apat na mga larawan nito. Una na ang tila inosente niyang kuha kung saan nakatanaw pa lamang ito sa lugar kung saan naroroon ang nais niyang meryenda.
Maya-maya pa ay tila inilusot na nito ang kaniyang ilong sa pagitan ng dalawang upuan. Hindi pa nga ito nakuntento at pati ang kaniyang dila ay inilabas niya na tila nais nitong kuhanin ang pagkain.
Sa huling larawan naman niya ay makikitang tila nainis at nanggigil na ito dahil sa pagpapakita na nito ng kaniyang mga ngipin. Nakakaaliw makita ang mga larawan at video na ito ng golden retriever. Marahil ay sobrang lambing at kulit din nito sa kaniyang mga amo.
Tunay nga na nakapagbibigay ng kasiyahan sa marami ang mga inaalagaan nating hayop. Marami man tayong kinakaharap na mga pagsubok sa buhay ay marami pa rin naman tayong dahilan upang ngumiti, tumawa, at maging masaya.
No comments:
Post a Comment