Sa paglipas ng panahon, marami na tayong mga natutuklasan at nagagamit na mga imbensyon. Tunay nga na walang makakapigil sa maraming mga bagay na natutuklasan ng mga tao.
Karamihan sa mga bagay na ito ay may malaking naitutulong sa atin sa pang-araw-araw habang ang ilan naman ay may mga hindi magagandang dulot din. Kaugnay ng laganap na teknolohiya ay ang mga makabagong gadget sa ngayon.
Halimbawa na lamang ay mga computer, mga cellphone, at iba pang mga device tulad halimbawa ng CCTV. Madalas nating makita ang mga ito sa mga malls at iba pang establisyemento.
Ito ang kanilang proteksyon hindi lamang sa kanilang mga negosyo kundi maging sa kanilang mga empleyado o tauhan. Kamakailan lamang, naging katatawanan ang isang larawan ng pusa mula sa Japan.
Hindi kasi ito tipikal na pusa lamang dahil ang pusang ito ay nagmistulang isang CCTV! “CCTV cat” ang naging bansag sa kaniya dahil sa nakita siya ng ilang office staff sa kanilang kisame na nakadungaw na animo ay isang CCTV!
Inulan din naman ng magagandang komento at reaksyon mula sa publiko ang naturang CCTV cat. Marami ang nagtatanong kung paano nakapunta ang pusa na iyon sa itaas ng kanilang kisame.
Habang mayroon namang ilan na nag-aalala sa pusa kung paano ito makakababa o makakaalis sa kaniyang napakasikip na pwesto. May ilan pa ngang mga netizens ang nagbiro at nagsabi na marahil ay isa itong espiya ng kanilang boss upang makita kung sino nga ba talaga ang mga masisipag na nagtatrabaho at ang mga tamad.
Nagsilbi ring paalaala ang pusa na ito na kahit may nakatingin man o wala sa ating mga ginagawa sa opisina, dapat ay magtrabaho tayo ng tapat. Huwag na natin pang hintayin ang araw na kakailanganin pa talaga ng bawat isa sa atin ang mga CCTV na ito upang malaman ang mga ginagawa natin sa loob ng ating mga opisina.
No comments:
Post a Comment