Wednesday, November 23, 2022

Isang matalinong aso ang palaging nagsasauli ng kaniyang pinagkainan sa tuwing matatapos itong kumain upang makatulong sa paglilinis!

Noon pa man, marami na sa atin ang nakakapanuod ng mga nakakamanghang videos ng mga matatalino at pambihirang hayop. Ilan sa kanila ang gumagawa ng mga tricks – halimbawa na lamang ay “shake hands” o di kaya naman ay “roll over”.

Ngunit kakaiba ang isang aso na ito mula sa Tianjin, China. Hindi lamang pala mga tricks ang kaya nilang ipakita dahil maging ang aso na ito ay kaya ring magpakita ng kaniyang pasasalamat sa mga taong nagpapakain sa kaniya.

Marami ang asong napabayaan at inabandona sa lugar na ito kung kaya naman ang mga “local animal animal rescue organization” ang nagpapakain sa kanila araw-araw. Pagkatapos kumain ng mga aso, palaging dinadala at sinasauli ng isang aso na ito ang kaniyang pinagkainan kung saan ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain.

Marahil ay nais din talagang makatulong ng asong ito sa pagliligpit at paglilinis ng lugar. Sa tuwing matatapos kumain ang asong ito ay palagi niyang kinakagat ang lalagyan at dinideretso na sa babaeng naghuhugas ng mga pinagkainan ang kaniyang ginamit.

Talaga namang marami ang namangha sa pambihirang pagkukusa at pagtulong ng asong ito. Maaaring maliit na bagay lamang ito para sa iilan ngunit malaking tulong na rin ito sa mga taong naroroon na nagpapakain at nag-aasikaso sa mga asong ito.


Ayon sa ilang mga ulat, kahit pala malayo ang kusina at ang hugasan ay talagang walang palya ang asong ito na isauli mismo ang kaniyang pinagkainan. Marami din namang mga pet owners ang nagbahagi ng videos ng kanilang mga alaga na tulad ng aso na ito ay mayroon ding kusa.

Tunay nga na kung ang aso na ito ay nagagawa na magkusa at tumulong sa mga taong nagmamalasakit sa kaniya ay magagawa rin natin ito nang hindi na tayo inuutusan pa ng mga tao sa ating paligid partikular na riyan ang ating mga magulang.


No comments:

Post a Comment