Saturday, December 3, 2022

Isang ama na dala-dala ang kaniyang anak sa pagtatrabaho niya bilang isang delivery rider, umantig sa puso ng publiko!

Usap-usapan ng publiko ang isang tatay na ito mula pa sa Malaysia na talagang dedikado at napakasipag dahil hindi siya nagdalawang-isip na dalhin ang kaniyang anak habang siya ay nagtatrabaho mayroon lamang siyang maipandagdag sa pang-araw-araw nilang gastusin. Ayon sa mga nauna nang ulat, ang misis pala ng lalaking ito ay nagtatrabaho din sa isang clothing boutique o tindahan ng mga damit kung kaya naman wala talagang ibang titingin at mag-aalaga sa kanilang maliit pang anak.

Hirap din sila sa pera kung kaya naman agad na naghanap ng trabaho ang lalaki at naging isang food delivery rider nga ito. Gamit niya ang hiniram niyang motor mula sa pamilya ng kaniyang misis.

“I felt sad when I saw a video of this brother carrying his child while working as a food delivery rider,” Pahayag ng celebrity preacher na si Ebit Lew na siyang nagbahagi ng ilang larawan at kwento ng mag-ama.

“They don’t have enough money, he was crying when we met earlier today; I’m happy to be able to meet him.” Dagdag pa niya.

Dahil sa pagkikita nilang ito, nagdesisyon si Lew na bilhan ng sariling motorsiklo ang masipag na ama at sasagutin na rin daw nito ang buwanang sweldo ng magiging tagapagbantay ng sanggol. Talaga namang naging emosyonal at hindi napigilang maluha ng lalaki nang malaman ang napakagandang biyaya at balitang ito para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.


“At the point when we think we are struggling, others might have it worse. When he was given a motorbike, we can see his tears and it makes us feel more grateful.” Dagdag pa ni Lew.

Labis din daw siyang humanga sa tatay na ito dahil nagsusumikap ito at nagpapakatatag para sa kaniyang mag-ina sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay. Mahirap man ang pinagdadaanan nila ngayon ay tiyak na makakaraos din sila dahil sa nagtutulungan silang mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ebit Lew (@ebitlew)

Mayroon ding mga tao tulad ni Lew na handang tumulong sa mga taong karapat-dapat.


No comments:

Post a Comment