Isang pambihirang kaso ng pangangaliwa na naman ang isinumbong sa programa ni Raffy Tulfo. Sa pagkakataong ito, iniwan umano ng mister ang kanyang misis upang maging vlooger kasama ang kanyang kalaguyo.
Ayon sa kwento ni Alma, ang nagrereklamo, mula umano ng makauwi siya galing Saudi taong 2016 ay hindi na umano nagpapakita sa kanya ang kanyang asawa na si Elmar Piñero.
Nang tanungin niya umano kung ano ang trabaho nito, ‘graphic artist’ daw umano sa Ilocos. Nagpapadala naman umano ito ng pera kaya hindi nalang nag-usisa pa si Alma dahil pag-aawayan lamang daw umano ito nila.
“Bumalik na po [uli] ako 2016 ng Saudi. Umuwi na po ako noong October 2018 po. Tapos hindi po siya nagpakita talaga sa akin. Sabi ko, ‘Ano pong nangyari?’,
“Tinext ko po siya na makipag-ayos nalang po… mag-usap kami ng maayos. Kung wala na po talaga, magpirmahan kami para hindi po ako magmukhang tanga. Hindi po niya ako nire-replyan,” kwento pa ni Alma.
Ngunit, nagulat na lang umano si Alma isang araw nang makita niya ang asawa sa Youtube!
Naging vlogger na pala umano ito kasama ang babaeng kalaguyo nito. Naghahalikan pa umano ang dalawa sa naging vlog ng mga ito. Pamagat pa nga ng isa sa mga vlog ng dalawa,
“THROWING UP BLOOD PRANK ON BOYFRIEND (Unexpected Reaction)”
Sa pamamagitan ng telepono, nakausap naman ng programa si Elmar Piñero at nabigyan ng pagkakataon na ihayag ang kanyang panig.
Katwiran ng lalaki, gusto niya na raw talaga na makipaghiwalay kay Alma kaya umano ito pumayag na mangibang bansa ang asawa.
Dagdag pa nga nito, napilitan lamang daw kasi siya na pakasalan si Alma.
“Ayoko ko sanang mangyari ‘yun kaso, no choice na ako ‘eh. Wala ‘yung pamilya ko, mag-isa lang ako ‘dun. Syempre parang, gusto ko sanang tumanggi dun nong time na pinakasal kami.
“No choice ako. Nahihiya din ako kasi nandon na ‘ko sa place nila. Eh, dun ako sa kaila nakitira…
“Tapos nung kinasal kami, walang ka-alam-alam ‘yung parents ko na kinasal kami,” katwiran pa ni Elmar.
Dagdag pa nito, wala na umano sila ng naturang babae na umano’y kalaguyo niya.
Ngunit, giit ni Alma, nagsisinungaling lang umano ito. Hindi umano totoo na pinikot o napilitan lamang ang asawa sa pagpapakasal sa kanya. Hindi rin umano totoo na hiwalay na sila ng babae nito.
Sina Alma at Elmar ay mayroong isang anak. Bagama’t ayon kay Elmar ay wala naman umanong problema sa sustento para rito, iginiit ni Tulfo na ang anak nito ang kawawa sa nangyayari.
“Mahiyain ka pala sir. Mahiyain ka sa papa niya kaya ka nagpakasal, mahiyain ka sa tita niya. Pero, hindi ka nahiya na ikaw ay nag-kabet ngayon at iniwan mo si misis at ngayon ‘yung bata nagmukhang kawawa…
“Hindi ka nahiya? Mas nakakahiya kaya ‘yun,” saad pa ni Tulfo dito.
Ayon kay Alma, kapag hindi pa umano tumigil si Elmar at ang kalaguyo nito, ipapakulong niya raw ang kanyang asawa.
“Pakulong niyo na po iyan sir kung hindi sila titigil,” diretsahan pa niyong saad.
Tutulong naman umano sina Tulfo sa gustong gawin na ito ni Alma. Magsasampa umano si Alma ng kaso kay Elmar at malaki umano ang posibilidad na makukulong ang asawa nitong nangaliwa.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment