Wednesday, June 24, 2020

BB Gandanghari, May Inilahad Tungkol Sa Naging Relasyon Nina Rustom Padilla At Carmina Villaroel


Ang pag-usapan ni BB Gandanghari ang tungkol sa dati nitong sarili at dating asawa nito na si Carmina Villaroel ay isang hindi gaanong madalas na pangyayari.

“Kung ako magiging lalaki ulit… babalik, siya pa rin liligawan [ko].”

Ito ang naging pahayag ni BB tungkol kay Carmina na unang beses marinig ng marami.

Sa Youtube, nag-open up si BB tungkol sa mga hindi pa naiku-kwentong mga pangyayari sa pagitan nina Rustom Padilla at Carmina. Inilahad nito ang panig ni rustom tungkol sa naganap na hiwalayn nina Carmina at Rustom taong 1996.

Inilahad dito ni BB kung gaanong nasaktan din si Rustom sa pagtatapos ng mahigit sa dalawang taon na pagiging mag-asawa nila ni Carmina.

“Marami ang nagtatanong. Minahal ko raw ba talaga si Carmina? Honestly and true? Oo.”

“Ang pinakamasakit na nangyari kay Rustom, nung dumating sa panahon na kailangan na silang maghiwalay.


“It’s the fact na they thought they found the right love para kay Rustom,

“Pero hindi na rin niya ipinaglaban kasi, at that time, binibigyan nila ng pagkakataon ang sarili nila na mag-isip…

“‘Yun ang pangarap ni Rustom.

“And Rustom thought na si Carmina din ‘yung babae para sa kanya to fulfill that dream. Pero sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng mga natutuklas mo kung ano ba ‘yung katotohanan sa kaibuturan ng puso mo.

“So while the relationship was going on until they lived together… hindi sila naglive together, nag-secrect marriage. Nagpakasal sila.

“‘Dun unti-unting nararamdaman ni Rustom ‘yung mga bagay na feeling niya bakit parang kulang?

“‘Dun unti-unting lumalabas ‘yung insecurities niya bilang lalake,” paglalahad pa ni BB.

Ani ni BB, pangarap rin umano ni Rustom na bumuo ng masayang pamilya kasama si Carmina. Ngunit, naiintindihan umano ni Carmina mismo kung ano talaga ang nasa loob ni Rustom.


Saad pa nga nito,

“Kung ako magiging lalaki ulit… babalik, siya pa rin liligawan [ko].”

“Hindi ko naman naiisip noon na bilang Rustom, magpapatawag ako na BB after 21 years or 31 years? I really don’t know.

“Sabi ko nga, it may be the right love, but hindi lang wrong time… but wrong body.”

“Definitely, kung pag-uusapan ‘yung dreams… kung pag-uusapan ni Rustom, ‘yun iyong kabuuan, ‘yun ang Carmina.

“Definitely after the separation, hindi ko alam kung ano mangyayari noon. Hindi ko na alam how to move on. Pero at that time, wala naman choice but to move on…

“Wala naman choice but to overcome. So gaano man kasakit, na-overcome.”

Nang magdesisyon umano si Carmina na tuluyan siyang iwan, hindi na umano ito ipinaglaban pa ni Rustom dahil kinuha niya itong pagkakataon upang makapag-isip.


Inihayag dito ni BB kung gaano naging masakit para kay Rustom ang pangyayaring ito sa kanila ni Carmina. Ngunit, wala umano kay Carmina ang problema kundi na kay Rustom mismo.

Masaya umano ito kasama si Carmina ngunit, hindi ito masaya para sa kanyang sarili.

Gayunpaman, idiniin ni BB na si Carmina ay naging isang malaking blessing sa buhay ni Rustom.

“Dahil siguro hindi na-resolve, ito ‘yung sinasabi ko na this is the lesson learned here. Dahil sa inlove and everything, akala ni Rustom, that will cover everything. Pero hindi.

“Rustom may be right. He may be happy with Carmina, but he wasn’t happy with himself. That’s the problem…

“Dumating sa punto na nagdesisyon si Carmina to move on…

“Isa sa mga pinakamasakit na panahon. You can just imagine, isang tao na pinaka-importante sa’yo… nagpapaalam. So Rustom was really devastated, pero hindi siya nag-disagree.

“It was a very amicable separation. Walang sigawan, walang sumabatan, pero pinakamasakit.”

“Did it kill Rustom? A part of him died,” pagsisiwalat pa nito.

Source: trendzph


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment