Thursday, June 25, 2020

Pagpapakasal Ng Isang Lalaki Sa Nakahimlay Nitong Bride, Nagpa-antig Sa Puso Ng Mga Netizen


Maraming mga puso ang nasaktan sa panonood ng video na ito ng isang lalaki sa kanyang kasal.

Hindi ordinaryong pag-iisang dibdib ang naganap sa pagitan ng lalaking ito at ng kanyang minamahal.

Habang naglalakad papuntang altar, hindi inaasahan ng marami na nakahiga at wala nang buhay ang babaeng papakasalan sana ng naturang lalaki.

Kaya naman, maraming mga puso ang nadurog sa panonood sa malungkot na seremonyang ito.

Imbes na maglakad papuntang altar, ang bride ay nasa isang kabaong.

Ang naturang malungkot na pangyayari ay nangyari December, taong 2019.

Ayon sa groom, nakipaglaban umano sa sakit na TB Meningitis ang minamahal nito na naging sanhi rin ng ikinamatay nito.


Isang buwan bago ang kanilang kasal, na-diagnose ito ng Tubercoloma. Sa kasamaang palad, hindi na ito umabot pa sa kanilang kasal.

Ngunit, mas minabuting ipagpatuloy ng groom ang kanilang pinagplanohang kasal dahil na rin sa pagmamahal nito sa kanyang bride.

Buwan ng Enero nang magpropose ito ng kasal sa kanyang girlfriend. Mula noon ay pinlano na nila ang kanilang pag-iisang dibdib.

Ngunit, hindi nila inaasahan na wala nang buhay pa ang bride sa darating na araw ng kasal nito.

“Ang sakit sakit, tipong nagmamadali ako pumunta sa room kung saan sya nakaadmit,
ayoko maniwala, na pinapanalangin ko na mali lang ‘yun dinig ko…

“Ang aming masaya at matamis na love story ay officially na magcoclose sa Wednesday, kung kelan sya ililibing…


“Sino nga ba mag aakala na ang Gown na aming pinagawa, ay sa ganitong sitwasyon na niya isusuot.

“Labis ang pasasalamat niya sa inyong lahat na tumulong at nag effort na dumalaw. Sa aming mga kamag-anak na sumuporta at nagpakita nang importansya sa aming pagmamahalan.

“Mahal, bye for now. Mananatili ka sa puso at aking isipan, I will always love you.

“Hanggang dito na lang po ang last chapter ng Love life namin ni mahal, baby shark, Darling.”

Imbes na paglalakad sa altar upang ganapin ang kanilang kasal, paghahatid sa bride sa huli nitong hantungan ang naganap.

Isang pangyayari na labis nagpalungkot at nagpaiyak sa mga nakapanood nito.

Naging viral sa social media ang video ng nakakalungkot na pangyayaring iyon ng groom. Dahil dito, agad na bumuhos ang mga pakikiramay para sa groom at sa naiwang pamilya ng bride.


Maging ang mga netizen ay naiyak din umano sa nakakadurog ng pusong pangyayari na ito.

Heto ang ilan sa mga mensahe na ipinaabot ng mga netizen tungkol dito:

“Hindi ako maka move on sa video na ‘to. Sobrang nakakaiyak, ramdam na ramdam ko ang sakit.”

“Ang sakit sa puso sobrang nakakaiyak.”

“Yang ang tunay na lalaki, ‘yung handang ipaglaban ka sa lahat ng bagay at mahalin ka ng higit pa sa sobra at susuportahan ka sa lahat ng bagay. Bilib ako sayo bro.”

“It breaks my heart… grabeeeng iyak ko… I feel the pain. Be strong Ryan Casidsid. Kaya mo ‘yan. God’s plan is better than our plans.”


Maliban sa pakikiramay, mayroon ding ibang mensahe na nais ipahatid ang isang netizen na ito. Saad nito sa naturang komento,

“Condolence po sa family and loved ones ng Girl. Hindi lang po nakakatuwa tignan na nakatutok lahat ng cellphone while the guy is grieving for his love. The moment is so sacred, yet no respect was given to the family. We all need to stop recording videos for the sake of likes and comments online. Memories should be treasured in our hearts and minds, not in our memory cards. Again, condolences to the family.”

Panoorin ang buong video dito!

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

1 comment: