Thursday, June 25, 2020

Sharon Cuneta, Hindi Napigilan Ang Galit Sa Lalaking Nagbanta Sa Anak Nitong Si Frankie


Nitong nakaraang mga araw ay naging matunog si Frankie Pangilinan, ang anak ni Mega star Sharon Cuneta, dahil sa matatapang nitong mga pahayag tungkol sa kaso o paksa ng rape sa mga kababaihan.

Gaya ng iba, idinidiin ni Frankie na hindi rason ang anumang kasuotan upang i-rape ang isang babae.

Mas naging trending pa nga ito nang matapang na sinagot ni Frankie ang naging pahayag sa kanya ni Ben Tulfo na may kinalaman pa rin sa paninisi sa mga kababaihan kaya umano nare-rape ang mga ito.

Bagama’t umani ng maraming pagsuporta si Frankie dahil dito, mayroon pa ring iba na binatikos ang dalaga at pinagbantaan pang gahasain.

Dito na hindi napigilan ng kanyang ina na si Sharon na magsalita at ipagtanggol ang anak.

Sa isa sa mga pahayag ni Frankie, isa umanong Sonny Alcos ang walang habas na nag-iwan ng komento at naghayag ng pagbananta na gagahasain si Frankie dahil sa mga pahayag nito. Saad nito,


“Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 years old pataas, magtago ka na sa tatay mong Senador Kikong Matsing Pangilinan. Dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo dahl hindi ako makukulong.”

Dahil dito, hindi napigilan pa ni Sharon na ihayag ang kanyang galit sa lalaking ito.

“What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo.

“Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino. Pinagmamalaki mo pang DUTERTE SUPPORTER KA, ganon ba? Alam mo bang kahihiyan ka sa Pangulo?,” galit pang saad ni Sharon.

Maliban sa pagkondena sa sinabi ng naturang netizen sa kanyang anak, hindi rin pinalagpas ni Sharon na ipagtanggol ang asawa sa naging panlalait dito ng netizen. Ipinaliwanag niya pa rito ang batas na nagawa ng senador at tsaka galit na tinawag na ‘bobo’ ang naturang netizen.


“BAGO KASI MAMINTAS NG BATAS NA GAWA NG SENADOR, ARALIN MUNA. (Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.) BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS!

“Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! Tayong dalawa ang magharap - di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo - tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo! Di kita uurungan,” dagdag pa ni Sharon.

Ayon pa kay Sharon, ipahahanap niya umano ang naturang Sonny Alcos at ihaharap sa batas. Hindi niya umano ito ttitigilan hangga’t hindi nito natatanggap ang dapat na kaparusahan.

Hindi umano katanggap-tanggap at hindi kailanman palalampasin ni Sharon ang ginawa nitong ‘kababuyan’ kay Frankie. Galit pang ani ni Sharon,


“HINDI MO AKO KILALA PAG ANAK KO NA ANG BINASTOS MO. O, BAKIT TINANGGAL MO NA ANG LAHAT NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS MO AT PINALITAN MO PATI PICTURES? We are now verifying our leads to your employers. Wow kung puede lang liparin!!!

“I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM. I AM ALSO FORWARDING THIS TO SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992.

“HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU. YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG. TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU.

“HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA.”

Source: Facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment