Monday, July 27, 2020

Alessandra de Rossi, May Mensahe Kay Angel Locsin Matapos ng Pahayag Nito Tungkol sa Pagrarally


Subok na nga talaga ang pagkakaibigan ng mga artistang sina Angel Locsin at Alessandra de Rossi na kahit mayroon pa ring mga isyu na ibinabato upang sila’y magkagalit, mas nananaig pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Nito lamang nakaraang mga araw, dahil sa mga inilabas na pahayag nina Angel at Alessandra tungkol sa iisang isyu ay inakala ng marami na nagsasagutan ang dalawa sa social media.

Kung matatandaan, kinwestyon ni Angel ang mga kapwa nito artista sa ABS-CBN na hindi pa rin umano nagsasalita tungkol sa isyung kinakaharap ng network habang sila naman ay patuloy ang pagrarally para sa kanilang ipinaglalaban.

Samantala, matapos ang pahayag na ito ni Angel ay naglabas naman ng pahayag si Alessandra tungkol sa hindi umano nito pakikisama sa rally dahil sa COVID-19. Kaya naman, hinala ng marami ay sagot umano ito ni Alex para sa naging pahayag ni Angel.


Ngunit, sa isang positibong Twitter post ay pinatunayan nina Alessandra at Angel na mali ang iniisip ng mga taong ito at silang dalawa ay mabuting magkaibigan.

Sa isang Twitter post, pinuri lang naman ni Alex si Angel dahil sa kabutihan nito na subok na ng maraming pagkakataon. Pabiro pa nga nitong isinaad sa naturang post ang kanya umanong pagmamahal para sa kaibigang si Angel.

“Sabi nila, tatakbo ka daw na senador. Nyar, di kailangan. Kaya mong lumipad. Nag-iisa kang ganyan. Minsan nadadala ng emosyon. Hello? Obvious ba? Napakalaking puso ang nasayo. Natural yun. Tao ka. Sira ulo ka. Mahal kita. Teka? May tribute?...,” ani pa nga ni Alex.

Hindi naman pinalagpas ni Angel ang ginawang ito ni Alex at magiliw na pinasalamatan ang kaibigan. Saad pa nga nito, “Hahaha salamat alex, mahal kita!”


Natuwa naman si Alex sa naging sagot na ito sa kanya ni Angel dahil, ayon dito ay bihira umanong tumanggap ng papuri ang kaibigan. Kaya naman, hindi niya na pinalagpas ang pambihirang pagkakataon na iyon.

“Hay salamat! Tumanggap ka din ng papuri sa wakas! Alam ko ayaw mo, pero sorry! May tribute! I cannot help it! TOTOO EH! Minsan lang! Hayaan mo akong ipagmalaki ka. Ako na to guys,” muli pang saad ni Alex dito.

Marami naman ang natuwa sa umano’y tunay na pagkakaibigan na mayroon ang dalawa. Marami rin ang natawa dahil sa paraan umano ng pagpuri ni Alex sa kaibigang si Angel na hindi kailangan gumamit ng magagandang mga salita para lamang patunayan ang sinseridad nito sa kaibigan.

Gayunpaman, mayroon pa ring iba na sadyang hindi mapigilan ang mambash kina Angel at Alex. Ayon pa nga sa isang netizen, kaysa sa Twitter ay dapat umano sa personal nag-uusap ang dalawa.

Hindi naman pinalagpas ni Alex ang naturang netizen at sinagot ang tweet nito. Sagot pa ni Alex rito,

“Are you drags? Magkausap kami directly sa tunay na buhay. Sadyang I can't help but defend her dito sa twitter kung saan lahat nakadrags.”

Maliban dito, mayroon ding ibang mga komento kung saan mayroong lamang mga pambabatikos para kay Angel. Katulad ng naunang mga komento ay hindi rin ito pinalagpas ni Alex at walang pagdadalawang isip na ipinagtanggol ang kaibigan.

Source: mostrendingph
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment