Wednesday, July 22, 2020

Alice Dixson, Ibabahagi na sa Publiko ang Kwento sa Likod ng Umano’y Taong Ahas sa Robinsons Mall


Isa sa mga kwentong kinalakihan na ng maraming Pilipino ay ang kwento tungkol sa umano’y taong ahas sa isa sa pinakamalaking mall sa bansa na minsan daw nakasalamuha ng aktres at beauty queen na si Alice Dixson.

Mula pa man noon, hindi malinaw na inilahad ni Alice ang tungkol sa kwento at wala ring anumang patunay na lumabas tungkol sa katotohanan ng naturang kwento.

Ngunit, sa pinakabagong Instagram post na ibinahagi ni Alice, isinaad nito na makalipas ang maraming taon, handa na ang aktres na ibahagi ang kanyang panig tungkol sa tanyag na kwento.

Matapos ang tatlong dekada, sa susunod na vlog na kanyang ilalabas ay ibabahagi na umano ni Alice kung ano nga ba ang nangyari sa kanya sa Robinson’s Galleria na mayroong kinalaman sa umano’y taong ahas doon.


Sa ika-30 taon umano mula nang lumabas ang naturang storya, bilang pangako na rin sa kanyang kaibigan ay handa na nitong ikwento ang mga nangyari noong siya’y dalaga pa. Saad pa ni Alice,

“Mahal kong kababayans...

“...hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lng linawin ang mga naganap sa Robinson’s Galleria nun dalaga pa ako. I made promise to a dear friend - I said I would tell my side of the story this year at dahil 30 year anniversary na this month, it is NOW time.

“Yes, 3 decades na! And I’ve never said a word or explained my side.

“Kaya if you are one of the many na gusto nyo malaman ang totoo, panoorin nyo etong kuento ko sa akin YouTube channel very soon.”


Dahil dito, marami ngayon ang nag-aabang sa pinakahihintay na kwento ng marami. Isang malaking misteryo para sa maraming Pilipino ang naturang kwento na para sa ilan ay mayroon umanong katotohanan.

Ayon sa kwento, minamanmanan umano ng taong-ahas ang mga babaeng pumapasok sa mga fitting room ng mall at naghahanap ng mga babaeng kanyang matitipuhan. Kung sinuman umano ang nagugustuhang babae ng naturang taong-ahas ay nahuhulog umano sa ilalim ng mall kung saan naroroon ang naturang nilalang.

Minsan umano itong naranasan ni Alice na siyang natipuhan ng naturang taong-ahas ngunit, nakaligtas umano ang aktres at beauty queen sa naturang pangyayari.

Upang hindi kumalat ang naganap na pagkikita ni Alice at ng taong ahas, binayaran umano si Alice ng Robisons Mall upang hindi ito magsalita tungkol sa nangyari.


Ayon sa mga kwento-kwento, ang naturang ahas umano ang nagdadala ng swerte sa pamilyang may-ari ng Robinsons Mall. Mayroon ding mga kwento na nagsasabing ang naturang taong-ahas ay kapatid at kakambal umano ni Robina Gokongwei, ang anak ng tycoon at may-ari ng Robinsons Mall na si John Gokongwei.

Gayunpaman, sina Robina umano mismo ay hindi alam ang pinanggalingan ng kwento at idinadaan na lamang sa biro ang tungkol sa naturang pangyayari.

Alam ng halos lahat ng Pilipino ang tungkol sa ‘urban legend’ na ito kaya naman, minsan na ring ginawang inspirasyon ang kwento sa isa sa mga pelikula na ginawa sa bansa. Minsan, naitampok na ang kwentong ito sa pelikulang ‘Shake, Rattle, and Roll’.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment