Wednesday, July 1, 2020

Ang Pakikisalo Ni Angel Locsin Sa Isang Simpleng Pamilya: “Napakadown To Earth Mo, Darna.”


Muli na namang hinangaan ng mga tao ang pagiging mapagkumbaba ng real-life Darna ng lahat na si Angel Locsin.

Sa mga larawan na ibinahagi ng isang Jovelyn Gagan Sangcap sa Facebook, makikita ang kababaang loob at simpleng pakikisalo ni Angel sa isang pamilya sa may dalampasigan.

“Napakadown to earth mo, Darna. Sobrang nakakahiya na makipag usap sayo lalo na nung tinanong mo pangalan namin. Pati future husband mo ang bait lalo narin po yung mga staff mo. Sana next time ma-hug naman kita with picture. At sana mainterview nyo rin kami,” saad pa ni Sangcap sa kanyang post.

Sa mga larawan, makikita ang akres na kaswal na nakikipaghalubilo sa mga lokal ng naturang komunidad. Makikita pa nga ito na walang ka-arte-arteng sumakay ng traysikel at nagbisekleta.

Nakunan umano ang naturang mga larawan habang ginagawa ang taping ng programa nitong Iba ‘Yan sa isang komunidad sa gilid ng dalampasigan sa Mauban, Quezon.



Maliban sa pakikipag-usap sa mga tao, naghanda rin umano ng pagkain si Angel para sa isang pamilya doon at simpleng nakisalo sa payak na pamilya.

Bago pa ang larawan kung saan makikita si Angel na masayang kumakain kasama ang isang simpleng pamilya, si Angel daw mismo ang nagluto at naghanda ng kanilang pananghalian.

Bagay na mas lalo pang ikinabilib sa kanya lalo na ng mga tagahanga ng aktres. Ang Darna sa totoong buhay ay muli na namang pinatunayan ang kabutihan ng kanyang puso.

Umani ito ng maraming papuri sa social media at mas dumami pa ang humanga kay Angel.

Maliban dito, marami din ang nakapansin sa pag-iba ng katawan ni Angel. Ngunit, tumaba man ay nananatili pa rin ito bilang ang Darna ng mga Pilipino.

“Kahit ano pa ang itsura niya, siya pa rin ang tunay na Darna,” ani pa nga ng mga netizen  tungkol kay Angel.



Saad pa ng ilan, pinatunayan lamang umano ni Angel na hindi sa timbang at hugis ng katawan nasususukat ang kagandahan ng isang tao.

‘Body Positivity’ ikanga nila ang bagong inspirasyon na nakukuha ng marami kay Angel.

“Angel Locsin can be in any shapes and sizes & people will still like her.She didn't care about her weight bcoz she's busy carrying the weight of the world on her shoulders than any of you or this government could ever carry.

“Among her many forms, being an Angel and Darna stood out”, saad pa ulit ng isang netizen tungkol kay Angel.

Alam ng lahat ang likas na pagiging matulungin ng aktres sa kahit anumang uri ng sakuna o pagsubok. Minsan na itong nakalikom ng mahigit sa 11 milyong peso na mapupunta sa mga hospital at fronliner na nakikipaglaban sa COVID-19.



Kaugnay nito, ang bagong programa ni Angel na Iba ‘Yan sa Kapamilya Channel ay nakasentro sa mga kwento ng pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino.

“We’ll try our very best na makatulong din kami sa inyo kung papaano kami tumutulong, kung ano ang mga kailangan ninyo para makatulong pa kayo, so susubukan namin sa aming munting paraan para gumaan-gaan kung anuman ‘yung mga iniisip ng mga taong ‘yun,” saad pa ni Angel tungkol sa kanyang programa.

Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment