Wednesday, July 1, 2020

Xander Ford, Tuluyan Nang Sinampahan Ng Kaso Ng Dati Nitong Girlfriend; Marlou, Nagtatago!


Sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo, tuluyan nang nasampahan ng kaso si Marlou Arizala aka Xander Ford matapos ang pagtatangaka nitong manghalay at ang pambubugbog nito sa dating girlfriena na si Ysa Cabreras.

Sinampahan na ito ng mga kasong ACTS OF LASCIVIOUSNESS at paglabag o VIOLATION SA R.A. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act.

Maliban dito, nabawi na rin ni Ysa ang pusa at ilan sa mga gamit nito mula kay Marlou. Ngunit, hindi umano lahat ay isinauli nito pati na rin ang susi ng kanilang condo unit na nandoon umano kay Marlou. Gayunpaman, kalaunan ay naibigay na rin ang susi ng naturang condo ngunit hindi ang kompletong gamit ni Ysa.

Nang magpunta sina Ysa at ang staff ng programa ni Tulfo sa bahay ni Marlou, halatang pinagtatakpan ng pamilya nito kung nasaan si Marlou. Itinatanggi ng mga ito na naroon umano si Marlou kahit mismong mga kapitbahay na mismo ang nagsabi na isang linggo na umanong nananatili roon si Marlou.

                    Photo credit to Raffy Tulfo In Action

Ang ate ni Marlou ang humarap kina Ysa ngunit, iginiit nito na hindi umano siya magsasalita. Nasa manager umano nito si Marlou at wala na umano silang ibang impormasyon na maibibigay tungkol dito.

Habang nakikipag-usap ang satff ni Tulfo sa ate ni Marlou, isang kasama nito sa loob ang palihim na kumukuha sa kanila ng video. Kaya naman, ani pa ng staff ni Tulfo dito,

“Hirap na hirap kang mag-video, eh pwede naman dito… para kita kami.”

Dahil sa mga pahayag ng mag kapitbahay, kumbinsido sina Ysa at ang mga staff ni Tulfo na nandoon ito sa loob ng kanilang bahay at pinagtatakpan lamang ng pamilya nito. Kaya muli nilang binalikan ang bahay nito upang makausap si Marlou ngunit, iginigiit pa rin ng ate nito na wala doon ang kapatid.

“Wala po talaga si kuya, promise. Sino naman nagsabi sa inyo? Wala po talaga dito, umalis na…

               Photo credit to Raffy Tulfo In Action

“Wala po talaga si kuya, pinaalis po talaga namin dito. Ano ba!,” tila naiirita at galit pang ani ng kapatid ni Marlou.

Kaya naman, dahil sa pagtatagong ito ng ex-boyfriend, saad ni Ysa ay sa korte na lamang umano sila magkita.

“Marlou, kung gusto mong linisin ‘yung pangalan mo, humarap ka nalang sa korte at huwag ka nang magtago… pati sa pamilya mo. Kasi, kung tutuusin, mas nakakaawa ‘yung pamilya mo dahil sa gingawa mo.

“So kung gusto mo talagang malinis ‘yung pangalan mo, makipag-usap ka nalang. ‘Wag ‘yung puro post ka pa sa social media,” mensahe pa ni Ysa para kay Marlou.

Sa nangyaring pagpunta ng programa sa lugar nina Marlou, mas pinatotohanan pa ng mga kapitbahay at mga naging kaibigan ni Marlou ang kagaspangan umano ng ugali nito.

Sa pahayag rin na ibinahagi ni Ysa, maliban sa pangit na ugali ay ipinagmamalaki pa nga umano ni Marlou ang mga bisyo nito. Maliban sa pagiging malakas uminom at paninigarilyo, minsan na rin umanong inamin ni Marlou kay Ysa na gumagamit ito ng ipinagbabawal na droga.

    Photo credit to Raffy Tulfo In Action

Mayroon ding karagdagang isiniwalat si Ysa tungkol sa dating boyfriend. Maliban sa kanya, mayroon din umanong ibang mga babae na pinwersa si Marlou upang mangyari ang gusto nitong mangyari.

Ayon kay Ysa, isang babae na menor edad pa lamang umano noon ang ginawan din ni Marlou ng naturang bagay ngunit mas piniling hindi nalang umano magsalita.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment