Dahil sa social media, mas nabibigyang pagkilala na ngayon ang ginagawang kabutihan ng mga simpleng tao. Isa lamang sa mga ito ang mga Angkas driver na madalas ay nagiging trending dahil kanilang kasipagan at kabutihang loob.
Kaugnay nito, isang Angkas driver na naman ang naging trending sa social media kamakailan lang. Sa pagkakataong ito, trending ang naturang driver dahil sa ginawa nitong pagtulong sa isang babae na nagkaroon ng aberya ang motor na sinasakyan.
Ayon sa Facebook post ng isang Lovely Jane Pino galing Cebu, isa umanong Angkas driver, o rider, ang tumulong sa kanya nang minsang nagkaproblema sa daan ang motor na kanyang sinasakyan. Tinulungan umano siya ng naturang Angkas driver na maayos ang kanyang motor at nang makauwi umano siya ng ligtas.
Habang nasa isang kalye, wala umanong pag-aalinlangan ang naturang Angkas rider na huminto at siya’y tulungan. Hindi niya umano akalain na babalikan siya ng Angkas rider at siya’y e-rescue sa naturang aberya.
Hindi naman isinaad ni Pino kung ano ang aberya sa kanyang motor nang panahong iyon. Ngunit, base sa mga larawan na kanyang ibinahagi, makikita na sa bandang may gasolina nagkaroon ng problema ang netizen.
Makikita sa naturang mga lararwan kung paano ginawan ng paraan ng Angkas rider ang motor upang makauwi lamang si Pino. Dagdag pa ng netizen, nagawa pa nga umanong magbiro ng Angkas Rider nang tinanong niya ito kung ayos lang sa kanya na siya ay tulungan.
Laking pasasalamat naman ni Pino sa tulong na ginawa ng naturang Angkas driver sa kanya. Halos maiyak pa nga raw si Pino sa tuwa dahil sa kabaitan nito. Hindi rin umano tumanggap ng anumang pera o bayad ang Angkas rider para sa kanyang tulong dahil ang importante umano ay makauwi ng ligtas si Pino.
Ilang beses umano nitong sinabi na nais niya lamang umano nito na ligats at maayos ang byahe ni Pino pauwi. Sila-sila lang din naman umano ang magtutulungan kaya hindi na nito kailangan pa ng bayad. Alam niya umano na kapag ang Angkas driver na naman ang humingi ng tulong, kapwa niya rin umano rider ang walang pag-aalinlangan na tutulong sa kanya.
Kaya naman, saludong-saludo ang naturang netizen sa naturang Angkas driver. Ipinaabot niya rito at sa naturang Facebook post ang labis niyang pasasalamat dito.
Ang Facebook post na ito ni Pino ay agad namang naging trending at umani ng maraming reaksyon at komento galing sa mga netizen. Sa ngayon, daan-daan na ang nalilikom na shares ng Facebook post habang higit sa isang libo naman ang mga reacts na nakakalap nito.
Karamihan sa mga komento sa naturang post ay tungkol sa mga papuri at paghanga ng mga netizen sa naturang Angkas driver. Kabi-kabila ang mga pagbati para rito at papuri para sa kanyang ginawa. Katulad ni Pino, saludo din ang mga ito sa ipinakitang kabutihan ng naturang Angkas driver sa isang nangangailangan.
Sa panahon ngayon na bihira na lamang ang mga taong nag-aabot ng tulong nang walang anumang kapalit, talagang nakakahanga na makarinig ng ganitong pangyayari. Kung tutuusin, wala namang mawawala sa naturang Angkas rider kung hindi nito tinulungan si Pino ngunit, mas nanaig at pinairal nito ang kabutihan ng kanyang loob.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment