Monday, July 13, 2020

‘Vice Ganda Network’ ni Vice Ganda, Magbibigay ng Trabaho sa Mga Empeyado ng ABS-CBN na Nawalan ng Hanap-buhay


Sa tuluyang pagkabigo ng ABS-CBN na mai-renew ang kanilang prangkisa, libu-libong mga empleyado nito ang nalugmok sa lungkot dahil nangangahulugan din ito na tuluyan na silang mawawalan ng trabaho.

Hindi nalang mga artista ngayon ang iniisip ng ilan na mawawalan ng trabaho kundi pati na rin ang mga ordinaryong empleyado ng TV network na permanente nang mawawalan ng hanapbuhay.

Ngunit, isa umanong magandang balita ang dala ni Vice Ganda para sa mga empleyadong ito ng ABS-CBN. Isa si Vice sa mga artista ng ABS-CBN na mahigpit na ipinaglaban na maipasa na ang prangkisa ng Kapamilya network sa kongreso.

Ngunit, dahil sa pagkabigo nito, isa rin si Vice sa pinakanalungkot sa balita.

Gayunpaman, upang kahit papaano ay makatulong sa ilang mga artista at higit sa lahat, sa mga empleyado ng ABS-CBN, ang komedyanteng si Vice ay gumawa ng kanyang sariling digital network.


Ito ang kanyang tinatawag na The Vice Ganda Network (TVGN) kung saan, si Vice din ang producer. Nakatakda na umano itong ilunsad sa darating na ika-17 ng Hulyo.

Ayon sa ilang mga ulat, ang TVGN ay isang digital network kung saan, magpeperform si Vice gaya ng madalas na nakikita niyang gawin sa mga programa nitong It’s Showtime at Gandang Gabi Vice.

Upang makatulong, magkakaroon ng mag artistang panauhin si Vice sa TVGN. Ang mga artistang ito umano ay iyong mga nawalan ng programa dahil sa kinakaharap ngayon ng ABS-CBN. Maging ang mga artista ng Viva ay magiging panauhin din umano ni Vice dito.

Ang Viva umano ang bahala o ang mamumuno sa marketing at technical ng TVGN. Kung matatandaan, ang Viva ang humahawak kay Vice para sa kanyang karera sa paggawa nito ng pelikula habang ang ABS-CBN naman ang namamahala kay Vice sa karera nito sa telebisyon.

Kaya naman, tanong ng ilan ay bakit umano hindi ABS-CBN ang hahawak sa marketing at technical ng TVGN ni Vice. Ayon sa isang ulat, marahil daw ay ayaw na munang makisabay ni Vice sa mga hinaharap ngayon ng ABS-CBN at baka raw masyado pang abala ang network.

Bagama’t mayroon nang inihayag na petsa o araw kung kailan nakatakdang i-launch ang TVGN, dahil sa paglabas kamakailan lang ng desisyon ng kongreso tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN ay baka maipagpaliban umano muna ito.


Ilan din sa mga tanong tungkol sa naturang digital network ni Vice ay kung hindi nga ba umano magkakaproblema ang komedyante dahil mukhang pareho umano ang tema ng TVGN sa mga naging programa nito sa telebisyon.

Ayon naman sa ulat, hindi umano dahil iba naman daw ang genre ng TVGN.

Marami naman ang nagpahayag ng tuwa dahil sa hakbang na ito na ginawa ni Vice. Nagpapakita lamang umano ito ng tunay na malasakit ni Vice sa kanyang mga katrabaho sa ABS-CBN at ang kagustuhan nito na makatulong sa mga empleyado ng network na nawalan ng trabaho.

Mula naman nang lumabas ang balita tungkol sa TVGN ni Vice, maraming mga tao na ang nag-aantay sa ‘launching’ nito at nagpahayag ng pagsuporta para sa bagong proyekto ng komedyante.

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment