Tuesday, July 28, 2020

Dahil sa mga Kasong Hinaharap; Xander Ford, Nagmamakaawa na Lamang sa Publiko



Matapos ang umano’y iba’t-ibang mga paandar ni Xander Ford, o dating kilala sa pangalang Marlou Arizala, nagmamakaawa na lamang ngayon ang umano’y internet sensation sa publiko para sa kanyang mga kasong kinakaharap.

“Sana Maawa po kyo sa pamilya ko ako nalang po nag mamakaawa kasi kahit kelan hindi namin pinangarap na Humingi sa inyo kasi alm kunamn na wala kayong maibibigay pero san kahit awa nalang po…

“Kasi Hindi kami makatulog matatanda na mga mgulang ko kakaisip sa mga ginagawa nyo sakin.. Plss ako nalng po nag mamakaawa,” eksaktong saad pa nito sa kanyang Facebook post.

Kung matatandaan, ilang linggo lamang ang nakakalipas ay naging paksa na naman si Xander ng maraming pambabatikos galing sa mga netizen dahil sa umano’y pisikal na pananakit at pagtatangka nito na gahasain ang kanyang dating nobya.


Ito ay matapos ang ginawang pagdulog ng kanyang dating girlfriend sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo at isiwalat ang mga ginawa sa kanya ni Xander. Dahil sa nangyari, sinubaybayan ng publiko ang ginawang hakbang ng ex-girlfriend ni Xander upang tuluyan itong maparusahan sa ginawa.

Sa pinakahuling naging balita tungkol sa isyu, sinampahan na ng kaso si Xander at maaaring makulong oras na mapatunayan ang ginawa nitong pananakit at pagtangkang gumahasa.

Ngunit, sa kabila ng nangyari ay naging aktibo pa rin sa social media si Xander. Sa katunayan, naglabas pa nga ito ng isang rebelasyon tungkol sa umano’y tunay niyang kasarian. Ayon kay Xander, isa umano siyang bisexual at kasapi siya ng LGBTQ+ community.

Ngunit, para sa marami ay palusot lamang umano ito ni Xander upang matakasan ang kinakaharap nitong kaso. Kaya naman, imbes na umani ng simpatya ay mas dumami pa ang mga natanggap na pambabatikos ni Xander.


Sa pinakabago nga nitong Facebook post, nagpahayag na ng pagmamakaawa si Xander sa publiko at umano’y pagsisisi sa kanyang nagawa.

Sa naturang Facebook post, ibinahagi ni Xander ang umano’y hindi niya pagkakaroon ng kita kahit sa apat na taon daw nitong pagiging artista.

“2Years Na akong Walang Trabaho Wala along allowance Wala akong Ayuda or Kahit Kunting awa lang para sa pamilya ko.. Almost 2years na akong Nag babaka sakali sa mga Dadating Na project At hindi pa ako kumikita ng 500k sa luob ng 4years kaya hindi ko alam saan ko kukunin Ang pera…

“Alam ko "Cevil case" yan mag bayad kmi or kung wala kaming pambayad kukuhain ariarian namin saan kami kukuha e sariling lupa at bahay wala po kami na ipundar,”  ani pa nito.


Kaya naman, pagsisisi umano ngayon ang nararamdaman ni Xander at nagbabakasakali ito sa kanyang pagmamakaawa sa publiko. Saad pa nga nito, kasalanan niya rin umano ang nangyari dahil mas inisip nito ang pagsikat kaysa sa mga kailangan ng kanyang pamilya.

Ngunit, kahit sa kabila ng umano’y pagmamakaawa ni Xander sa publiko ay mas nangibabaw pa rin ang mga pambabatikos sa kanya ng mga tao. Ayon sa mga ito, sana raw kasi ay mas inuna ni Xander na isipin ang epekto ng kanyang mga ginawang masama bago niya ito tuluyang ginawa.

Kaya naman, nangingibabaw pa rin ang kagustuhan ng marami na harapin ni Xander ang kaso at nang tuluyan itong maparusahan.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment