Saturday, July 25, 2020

From The Archives: DepEd Seceretary Leonor Briones, Positibo sa COVID-19!


Kahit ang mga opisyal ng pamahalaan ay hindi rin ligtas mula sa COVID-19. Ilang buwan mula nang ianunsyo ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na ito ngayon sa bilang na mahigit sa 76 000 kung saan, mahigit sa 48 000 ay aktibong kaso.

Kung matatandaan, isa sa mga opisyal ng pamahalaan na naging positibo sa naturang virus ay si Department of Education Secretary Leonor Briones na naiulat na COVID-19 positive noong ika-9 ng Abril.

Ayon sa mga naging ulat, bagama’t lumalabas na positibo si Sec. Briones ay ‘asyumptomatic’ naman umano ang sekretarya o walang nararamdamang mga sintomas. Gayunpaman, upang mas makasiguro ay sumailalim pa rin ito sa isolation.

“As a government official and Cabinet member, and as a Filipino, it is my duty to announce that yesterday late afternoon, April 8, 2020, I was informed by the Research Institute for Tropical Medicine that I am positive for SARS-COV-2, the causative agent of COVID-19,” anunsyo pa dati ni Sec. Briones tungkol sa naturang balita.


Ayon dati kay Sec. Briones, dalawang beses umano siyang sumailalim sa pagsusuri o test bago tuluyang makumpirma na postibo nga ito sa COVID-19. Ang una ay noong ika-23 ng Marso kung saan, lumabas na negatibo ang resulta.

Ngunit, dahil sa naging positibo umano ang isa sa mga nakasama ni Sec. Briones sa isa sa mga pagpupulong na kanyang dinaluhan kasama ang ilan pang mga Cabinet officials, muling nagpa-test ang sekretarya noong ikalawang araw ng Abril. Dito, lumabas na nga na positibo sa COVID-19 si Sec. Briones.

“I remain asymptomatic. My body temperature, which is taken three times a day, remains normal,” ani pa ni Se. Briones tungkol sa kanyang naging kalagayan.

Bagam’t sumailalim ito sa isolation, tiniyak ni Sec. Briones na katulad ng kanyang ibang mga kasama sa trabaho na nagpositibo rin sa sakit, mananatili pa rin ito sa trabaho at patuloy na gagawin ang kanyang mga tungkulin.


“I am going on isolation. However, like my fellow Cabinet member, I will continue working — virtually attend IATF meetings, preside over the DepEd EXECOM and MANCOM, and make all decisions necessary to keep DepEd in full operation,” saad pa nito.

Dagdag pa ni Sec. Briones, hinihikayat niya rin umano ang iba pang mga indibidwal na kanyang nakasalamuha na boluntaryong magpa-test at mag-self quarantine. Gumawa na rin naman umano ng hakbang ang DOH at DepEd para sa contact tracing at iba pang mag nararapat gawin.

Dagdag mensahe pa nga nito dati sa publiko,

“It is my hope and my fervent prayer that we will recover as a nation and that our spirit of bayanihan will pull us through. With God’s grace, we will all heal as one.”


Samantala, marami sa mga opisyal ng pamahalaan na napabalitang nagpositibo sa COVID-19 ay gumaling na mula sa sakit. Ngunit, salungat nito ang kasalukuyang kondisyon ng bansa kung saan, sa kabila ng mga ipinapatupad na protocols at safety measures ay patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso.

Dahil dito, ang patuloy pa rin na dasal ng marami ay ang tuluyan nang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at nang maibalik na sa normal ang pamumuhay ng marami.

Source: rappler
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment