Saturday, July 4, 2020

Inirereklamong Swiss National, Galit Kay Tulfo Dahil Sa Pagpapahiya Umano Nito Sa Kanya


Hindi lamang pambubugbog sa Filipinang ka-live-in at pangmo-molestiya sa anak nito ang nakahanda sanang reklamo na isasampa sa isang Swiss National kundi pati na rin ang pambabastos at pangmamaliit nito sa mga Pilipino.

Sa ikalawang bahagi ng pagpapalabas sa programa ni RaffyTulfo tungkol sa kaso ng Filipina na si Jenny Valerio at ka live-in nitong Swiss National na si Marcel Duschlett, hindi lamang kay Jenny ngayon galit si Marcel kundi pati na rin kay Tulfo.

Nang tuluyan nang pagharapin ang dalawang panig, iginiit nito sa staff ng programa na ipinahiya umano siya ni Tulfo sa programa nito.

“After your boss, Tulfo, **** me in the TV with 20 pictures, I’m everywhere! They know me. I have 100 million Filipinos wanna kill me now. I wanna go home now.

“Tulfo must pay for that!

“Is he allowed to bring pictures of me without evidence? Is he allowed to bring picture of me in the internet without evidence? Is he allowed?,” galit na galit na saad pa ng banyaga.


Gustuhin man ni Tulfo at ng team nito na magbayad si Marcel sa lahat ng ginawa nito kay Jenny, sa pambabastos sa mga Pilipino, at lalong lalo na sa pangmomolestiya nito sa kanyang menor de edad na anak, wala silang magagawa.

Mula sa pagiging desidido na maipakulong si Marcel, ilang beses muling nag-iba ng desisyon si Jenny.

Noong unang magbago ang isip nito ay nakumbinse pa ito uli ni Tulfo na ituloy ang kaso. Napagkasunduan na nina Jenny at ng programa ang pagsasampa ng kaso kay Marcel bago ito i-deport sa bansa nito.

Sa tulong ng programa, nakapag-file na nga si Jenny ng reklamo at naihatid na rin ito sa Bureau of Immigration.

Tinulungan din ito ng programa na kunin lahat ng gamit nito at ng kanyang mga anak sa tinutuluyan nila kasama ang Swiss National at inihatid sa bagong tutuluyan ni Jenny at ng kanyang mga anak.


Mas nagpatibay pa sana sa mga ebidensya para sa isasampang mga kaso kay Marcel ang mga pahayag ng kanilang mga kabitbahay na pinatotohanan ang pagiging bastos at maperwisyo umano ng banyaga sa lugar.

Ngunit, dismayado ang lahat ng mga netizen nang sa huli ay ini-urong ni Jenny ang kaso dahil nagkaayos na umano sila ni Marcel!

Sa video na ipinadala ni Jenny sa programa, nakangiting humihingi ito ng pabor kay Tulfo na maitigil na raw ang kaso para sa ka live-in dahil nagkaayos na umano sila at nais na umano nilang bumalik sa tahimik ang kanilang buhay pamilya.

Napatawad na umano niya si Marcel at mahal ito ng kanyang mga anak.

“Hello sir Raffy. Okay na po si mama at papa ko. Sana po mabalik na po ‘yung normal na buhay namin atsaka po hindi na po makulong si daddy ko… I love papa,” ani pa ng anak ni Jenny.

Dahil dito, hindi na napigilan pa ng mga netizens na ilabas ang magkahalong inis at pagkakadismaya sa kinalabasan ng kaso.


Heto ang ilan sa mga di mapigilang komento at reaksyon ng mga netizen:

“So disappointing. LITERAL NA SUPER MARUPOK.”

“B*ys*t. Sayang ang time and effort ng Tulfo in Action. Di ko ma-imagine bumalik sya jan pa bugbog ulit. T*nga di man lang inisip ang anak niyang babae.”

“Sinayang mo oras ng RTIA! Bugbog ka ulit kay Marcel! Ginusto mo yan.”

“‘Yan din hirap sa ibang pinay kasi mhilig sa kano, mga dayuhan, especialy money.”

“Kawawa ‘yung anak na minolestya. Sana nga lang wag maulit.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment