Friday, July 24, 2020

INSPIRING STORY: Pinakaunang Registered Nurse at Doktor ng Tigwahanon-Manobo Lumad, Kilalanin!


Naging posible para kay Joeffrey Solin-ay Mambucon ang mga bagay na umano’y imposible sa kanya bilang isang miyembro ng Tigwahanon-Manobo Lumad ng Bukidnon.

Sa kabila ng mga diskriminasyon at hirap na pinagdaanan, sa edad na 31 ay si Joeffrey ang kauna-unahang registered nurse at ganap na doktor na kasapi ng naturang tribo.

Ang kwento ng tagumpay na ito ni Jeoffrey ay nagbigay inspirasyon at nagpapahanga ngayon sa marami.

Sa edad na 12, nakasanayan na sa kanilang tribo ni Jeoffrey ang pag-aasawa sa pamamagitan ng arranged marriage. Ngunit, hindi inakala ni Jeoffrey na hindi ganito ang mangyayari sa kanya, bagkus ay nakatakda pala siyang maging doktor.


Bata pa lamang, naranasan na ni Jeoffrey ang halos lahat ng klase ng hirap at pagod sa bukid. Pinagsabay ni Jeoffrey ang trabaho sa kanyang pag-aaral hanggang high school sa Sitio Apas, Namnam, San Fernando, Bukidnon.

Sa tulong umano ng Overseas Missionary Fellowship Scholarship Committee, lumuwas ito ng Bukidnon at nabigyan ng pagkakataon na mag-aral sa University of Mindanao sa Davao. Ang grupong ito rin umano ang naghikayat kay Joeffrey na kumuha ito ng kursong Nursing.

“One of the missionaries told me to take up nursing because they have a medical ministry and they only have one nurse,” kwento pa ni Joeffrey.

Kaya naman, imbes na kumuha ng kursong Education ay Nursing ang kinuhang kurso ni Jeoffrey sa kolehiyo. Matapos ang ilang taon ay nagtapos sa kolehiyo si Joeffrey at agad ding pumasa sa board exam.


Ngunit, hindi pa dito natapos ang pagkamit ni Joeffrey sa tagumpay. Nang makita niya umano ang kakulangan ng doktor sa kanilang lugar lalong-lao na para sa kanilang mga katutubo, nagdesisyon si Joeffrey na tumuloy sa pag-aaral ng pagiging doktor.

Ngunit, inabot umano ng dalawang taon bago siya tuluyang nakapasok sa isa sa pinaka-prestihiyosong paaralan sa bansa. Hindi naman nasayang ang lahat ng pagsisikap ni Joeffrey dahil, sampung taon mula nang siya ay maging isang ganap na nurse, ngayon ay isa na rin itong ganap na doktor.

Nito lamang ika-30 ng Hunyo, nagtapos si Jeoffrey ng isa na namang dagree sa Medisina sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI). Sa kanyang pagtatapos, nakatanggap rin ng dalawang mahahalagang parangal si Jeoffrey. Iginawad sa kanya ang Dean’s Special Award for Research at Dean’s Special Award for advocacy, inclusiveness, and equity as FIRST TIGWAHANON-MANOBO LASALLIAN MD.

Ayon kay Jeoffrey, plano umano nito ngayon na mapasama sa programang ‘Doctors to the ‘Barrio’ ng Department of Health (DOH) at sana umano ay mapaglingkuran niya ang kanilang lugar.


Sa tagumpay na ito ni Jeoffrey, pinatunayan nito sa lahat na kahit ang isang katutubo ay kakayanin din na maabot ang kanilang mga pangarap kagaya ng pagiging isang doktor. Hindi hadlang ang diskrimasyon at negatibong opinyon ng mga tao sa pag-abot nila ng kanilang mga pangarap.

Kaya naman, mensahe ngayon ni Joeffrey sa mga taong kagaya niya na minsan ding nangarap,

“To those who grew up drinking that am or rice water mixed with bear brand and now lost their hopes to study. I say stop daydreaming and look above with head held high! If I was able to do it, I pray and believe that you can do it too.”

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment