Thursday, July 2, 2020

Ion Perez, Di Inurungan Ang Mga Netizen Na Tinawag Siyang ‘Bakla’, ‘Barbie’


Animo’y galit at hindi naging maganda ang reaksyon ni Ion Perez sa mga naging puna sa kanya ng mga netizens sa isa nitong post sa Instagram.

Sa ‘mirror selfie’ na ibinahagi ni Ion sa naturang Instagram post, agad na napuna ng mga netizen ang paraan umano ng pagkakaupo ng It’s Showtime cast member.

Marami sa mga komento ng nasabing post ang tungkol sa pagiging mukha umanong bakla ni Ion sa naturang larawan.

Hindi naman pinalagpas ni Ion ang mga komentong ito ng mga netizen sa kanya. Sa paraan ng pagdedepensa nito sa sarili, animo’y napikon umano si Ion sa pagtawag sa kanyang ‘bakla’ ng mga netizen.

“Upong koreano bakla agad? Mga ul*l hahahahaha,” depensa pa nito.


Dagdag pa nga ni Ion, “Ano wala na ba? Wala pala ako mapapala sa inyo hahahahaha.”

Maliban dito, nakipagsagutan din si Ion sa tatlo sa mga netizen na nagsabing mukhang ‘bading’ umano ito sa naturang larawan. Mukhang hindi umano nito nagustuhan ang ginawang panghuhusga ng mga ito sa kanyang kasarian.

Saad ng isang netizen, “Lutoooo naaaa ang adobo... wait! Konting paminta pa nga....”

Sagot naman dito ni Ion, “Aba nakapagluto ka na ng adobo?? Ubos na ba ang basura sa brgy niyo?? Hahahaha”

Sa isang netizen naman na sinabihan si Ion na umano’y ‘soon to be Bibi Gandang Hari’, sagot ni Ion, “Kamukha mo aso mo! Wag naman sana pati ugali sayang ang aso!”

Nang sabihan naman itong ‘barbie ng isa pang netizen, ito ang ibinigay na sagot ni Ion,

“Isa pa tong mukhang tarapal ng motor! Pero wag na ikaw alala ikaw may pakinabang kasi lagi ulan ngayon ok???”


Ikinagulat naman ng ilang mga netizen kung bakit ganito umano ang naging reaksyon ni Ion sa mga bintang na ito sa kanya. Bagama’t iginiit nito dati na isa siyang tunay na lalaki, ang karelasyon nito na si Vice Ganda ay isang bakla.

Minsan nang kinlaro ni Ion sa isang panayam ang tungkol umano sa kanyang tunay na kasarian. Dahil sa karelasyon nito na si Vice Ganda, marami ang nagsasabing marahil ay isa ring bakla si Ion.

Ngunit, pinabulaanan niya ang mga agam-agam na ito at sinabing isa umano siyang ‘straight’ na lalaki.
/>
“Hindi po. Sobrang straight po ako… Nagkataon lang na na-in love ako sa isang bakla,” ani pa nito dati.

Dahil sa naging relasyon nito sa sikat na komedyanteng si Vice Ganda, hindi tinatantanan ng intriga si Ion ng publiko. Isa sa mga ibinabato sa kanya ng mga ito ay ang mga pagdududa tungkol sa tunay niya umanong intensyon kay Vice Ganda.




Marami ang nagsasabi na pera lamang umano ang habol ni Ion kay Vice Ganda kaya ito nakipagrelasyon dito. Ngunit, maging ito ay minsan na ring sinagot ni Ion.

Wala umanong katotohanan ang naturang bintang dahil hindi niya umano ito kailanman magagawa sa itinuturing niyang nobya. Pahayag pa nito,

“Hindi ko po kayang gawin yun sa kanya. Kasi kung ginawa ko po yun sa kanya, parang wala na rin akong pinagkaiba sa mga nakaraan na nanloko sa kanya.”

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment