Arestado sa Hawaii ang sikat na Youtuber at vlogger na si Mika Salamanca matapos ang umano’y paglabag nito sa mandatory 14-day quarantine mula nang dumating sa lugar.
Ayon sa isang ulat na inilabas mismo sa Hawaii, apat na araw umano matapos ang pagdating doon ng Pinay vlogger ay nilabag na nito ang dapat ay 14 na araw ng pagkaka-quarantine.
Dumating umano si Mika sa Honolulu, Hawaii noong ika-6 ng Hulyo, ngunit, ilang araw lamang matapos nito ay napag-alaman ng Hawaii Tourism Authority ang kanyang ginawang paglabag.
Napag-alaman umano ng mga awtoridad ang mga video ng vlogger kung saan, makikita itong sumasayaw sa labas o pampublikong lugar. Mayroon din umanong patunay na kumain din si Mika sa labas.
Sa pinakabagong vlog na kanyang inilabas, inamin naman ni Mika, 20 taong gulang, ang kanya umanong pagkakamali at naayos niya na umano ito sa mga awtoridad. Ngunit, dalawang araw matapos niyang mailabas ang naturang vlog ay inaresto sa Hawaii ang vlogger.
“Inaamin ko po na nagkamali ako noong time na dumating ako dito sa Hawaii at agad po kaming lumabas… As far as I can remember na-settle na namin yun,” saad pa ni Mika sa kanyang vlog.
Pagkatapos maaresto ay nakalabas din daw ang vlogger matapos makapagpyansa ng $2000 sa tulong umano ng kanyang mga kamag-anak.
Sa naturang vlog na kanyang inilabas, iginiit umano ng vlogger na nagkaayos na sila ng mga awtoridad. Dagdag niya pa, sinabihan pa umano siya ng mga ito na pwede nang lumabas si Mika kapag lumabas na negatibo ito sa COVID-19 sa isinagawa sa kanyang test. Nakumpleto na rin umano nito ang kanyang pagkaka-quarantine na natapos noong ika-20 ng Hulyo.
Ayon sa vlogger, may mga tao umanong inireport ang kanyang ginawang paglabag kaya binisita umano siya ng mga awtoridad sa bahay kung saan ito naka-quarantine.
“Sila po mismo nagsabi sakin na, 'You're not in trouble. If you're negative, you can go out'... Kung meron po talaga akong nilabag, feeling ko dapat ngayon nasa presinto na ako.
“Pero lahat ng law enforcers na nakausap namin sinabi na we're not in trouble and we're good,” dagdag pang pahayag ni Mika sa kanyang vlog.
Ngunit, ayon mismo sa mga awtoridad roon at kay Attorney General Clare E. Connors, hindi umano sinabihan ng ganoon si Mika.
“None of my investigators would convey that information, as it is incorrect. The fact that Ms. Salamanca has so many followers makes her actions that much more dangerous and concerning…
“The spread of misinformation can have very severe consequences during an emergency situation like we are in now,” ani pa ni Atty. General Connors.
Kaya naman, inaresto ng mga awtoridad si Salamanca kahit na lumabas na negatibo ang vlogger sa COVID-19 mula sa ginawang test.
Matapos maaresto, wala pang anumang pahayag na inilabas si Mika sa media o maging sa socila media. Ayon sa ulat, si Mika umano ang ika-24 na indibidwal sa O‘ahu na inaresto dahil sa ginawang paglabag sa ipinag-uutos na 14-day quarantine sa mga byahero.
Source: gmanetwork
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment