Isang linggo pa lamang umano mula nang ikasal sina Mona Pilapil at Benjie Pilapil ay nahuli niya na umano ang kanyang asawa na ka-video call ang ka-workmate nitong babae. Nagpunta pa umano si Benjie sa bahay ng naturang babae upang ‘mag-sleepover’ ngunit, iba pala umano ang ipinunta nito doon.
Kinumpronta umano ni Mona ang babaeng ito na nagngangalang Sarah Ramos ngunit sinabi umano nitong magkatrabaho lamang sila ni Benjie. Ganito rin umano ang isinagot ni Benjie nang ito naman ang tanungin ni Mona.
Ngunit, ayon kay Mona ay mayroon umanong relasyon ang dalawa at mayroon itong ebidensya na nagpapatunay nito. Maging ang kanya nga umanong biyenan ay kinompirma rin na mayroong ibang babae ang kanyang anak.
Image via Raffy Tulfo In Action
Nang kinausap naman ni Tulfo sina Benjie at Sarah, isinaad ng mga ito na bagama’t hindi sila magkarelasyon ay naging M.U. naman umano ang estado ng kanilang relasyon. Saad pa nga ni Sarah, nagkaayos naman na umano sila ni Mona sa barangay tungkol sa naturang isyu.
Ngunit, ayon kay Mona, kahit nagkaayos na umano sila sa barangay ay muli niya na naman umanong nahuli ang asawa na karelasyon pa rin si Sarah. Gusto na umanong makipaghiwalay sa kanya ni Benjie gayong hindi umano ‘yun ganon kadali dahil legal silang ikinasal.
Sa programa, minsang nagkasagutan ang dalawang babae kung saan, imbes na si Mona ang mangibabaw dahil mayroon itong karapatan, si Sarah pa ang lumalabas na siyang matapang. Saad pa nga umano ni Sarah kay Mona,
Image via Raffy Tulfo In Action
Mensahe na lamang ni Mona kay Sarah,
“Napakawalang kwenta niyang babae. Alam mong may asawa si Benjie. Alam mong kaka-kasal pa lang namin. Una pa lang pinagsabihan na kita, Sarah. Layuan mo si Benjie. Tantanan mo si Benjie. Pero hindi ka tumitigil…
“Ang ginagawa niya, Sir, lahat ng kababoyan ng asawa ko, kinikwento niya sakin… ultimo ‘yung mga babae na nagyayaya daw sa asawa ko na mag-check in sa hotel, kinikwento niya sa’kin…
“Para saan? Anong dahilan? Para awayin ko ‘yung asawa ko tapos ico-comfort mo? ‘Yun ba ‘yun, Sarah?”
Image via Raffy Tulfo In Action
Bago pa umano maikasal sina Mona at Benjie, anim na taon umano silang nag-live in. Kaya naman, tanong ngayon ni Tulfo kay Benjie ay bakit kung kailan ito ikinasal ay doon pa umano ito nagloko.
Hindi naman nagustuhan ng mga netizen ang ginawang panunumbat umano ni Benjie sa mga tulong na ibinigay niya kay Mona at sa pamilya nito ngayong gusto niya nang hiwalayan ang asawa.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment