Friday, July 24, 2020

Misis, Proud na Proud na sa kanyang Mister sa kabila ng Mapaghusgang Lipunan


Hindi lahat ng tao ay nabiyayaan ng mukha na masasabing maganda o gwapo ayon sa pamantayan ng lipunan. Ang mas masaklap pa dito, kadalasan ay ibinabase rin sa mukha ang pagtanggap ng lipunan sa dalawang taong nagmamahalan.

Ngunit, hindi ininda ng mag-asawang ito ang mapanghusgang mga mata sa kanilang paligid. Isang tunay na pagmamahalan ang makikita sa dalawa sa kabila ng umano’y kaibahan ng kanilang itsura kung ibabase sa mapanghusgang pamantayan ng mga tao.

Hindi ikinakahiya ng babaeng ito na ipagmalaki ang kanyang asawa sa lahat ng tao. Kung mapapansin, wala namang kakaiba sa mag-asawang ito. Maliban na lamang kung titingnan ang pisikal na katangian ng dalawa gamit ang mapanghusgang mga mata.

Kapansin-pansin ang ganda ng naturang babae sa kabila ng pagkakaroon na nito ng tatlong anak. Madali namang husgahan ang asawa nito na kung laitin pa ng iba ay malayo umano ang agwat at hindi bagay ang itsura sa ganda ng kanyang misis.


Ngunit, sa kabila ng mga ito, pagmamahalan ang nananig sa naturang pamilya kung saan, kitang-kita kung gaano ka-kontento ang mga ito sa buhay na mayroon sila. Kasama ang tatlong anghel sa kanilang buhay, makikita kung gaano kasaya ang dalawa sa kanilang pagsasama.

Sa mga larawan na ibinahagi ng babae, kita ang saya ng mga ito at ng kanyang asawa sa pagdating ng kanilang ikatlong anak. Dahil sa tunay na pagmamahal na umiiral sa kanila, tunay na kaligayahan din ang mayroon sila sa kanilang pamilya.

Ipinagmamalaki ng naturang babae ang kanyang mister sa publiko at hindi ininda ang mga panghuhusga na maari niyang matanggap mula sa mga tao. Ang ginawa niyang ito ay nagpapatunay lamang na hindi sa panlabas na anyo naibabase ang tunay na pagmamahal ng isang tao.

May mga taong mas pinipiling tingnan ang tunay na kagandahan na mayroon ang isang tao. Mas pinipili ng iba ang kaligayahan na lampas pa sa pisikal na itsura.


Respeto at pagtanggap umano sa kung ano ang tunay na pagmamahal ang kailangan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan na sumunod sa dikta ng mapanghusgang lipunan dahil hindi sa kanila nakaasa ang tunay na kaligayahan.

Ito ang pinatunayan ng naturang babae sa pagkakaroon niya ng masayang buhay may-asawa kasama ang mahal nitong mister at ang kanilang mga anghel.

Dahil sa pagiging totoo ng naturang misis, hindi maiwasan ng maraming tao na humanga dito at sa kanyang mabuting kalooban. Marami ang humanga sa mag-asawa na mas piniling huwag pansinin ang mga mapanghusga at mapanlait na mata na nakapaligid sa kanila.

Ani pa ng mga ito, aanhin nga naman umano ang magandang mukha ng isang mister kung hindi naman nito minamahal ng totoo ang kanyang misis at mga anak. Mas dapat pa rin umanong piliin ang isang tao na mas maganda ang kalooban kaysa panlabas na kagandahan.


Kapag tunay na nagmamahal ang isang tao, kahit ano pa man ang istura nito ay kaya niya itong tanggapin at mahalin ng buo.

Hindi man maiwasan ang mga panghuhusga at panlalait, ang importante ay wala umano silang natatapakang tao at masaya ngayon ang mga ito sa kanilang buhay. Mayroon lamang umano sigurong mga tao na iba ang pananaw sa tunay na pag-ibig.

Source: mostrendingph


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment