Patok ngayon sa social media ang isang trend kung saan, basta-basta na lamang may dumarating o idine-deliver na pagkain sa ilang netizen matapos magpost ang mga ito ng mga pagkain na nais nilang kainin.
Hindi alam ng mga ito kung saan galing ang delivery na pagkain ngunit, kadalasan ay nanggagaling umano ang mga ito sa mga tagahanga ng naturang mga netizen. Minsan din ay surpresa umano ito mula sa kanilang mga kasintahan.
Kaya naman, panay ang ‘sana all’ ng maraming mga netizen sa social media na nais ding makatanggap ng libreng pagkain. Marami na ang nagtagumpay at nakatanggap ng libreng food delivery ngunit, mayroon ding iba na panay asa na lamang.
Kaugnay nito, mayroon namang isang netizen na kamakailan lang ay naging trending dahil sa kakaibang ‘sana all’ challenge na kanyang naranasan. Imbes kasi na matuwa ang naturang netizen sa food delivery na dumating dito, lumalabas na ‘scam’ ang nangyari sa netizen dahil ito pa ang pinagbayad sa naturang delivery.
Ang netizen na ito ay si Jefrey Son Capantoc na ibinahagi ang kanyang kakaibang ‘Sana all’ na naranasan sa Facebook.
Ayon kay Jefrey, isang araw umano ay nagulat na lamang ito nang mayroong dumating na text sa kanya tungkol sa isang delivery na nakapangalan dito. Galing umano sa ‘Food Runner’ ang naturang text kaya sinabihan niya ito na wala naman umano siyang ipinapa-deliver.
Ngunit, ani umano ng delivery driver ay sa kanya nakapangalan ang naturang order kaya naman, tinanggap na lang din ni Jefrey ang mga order na pagkain nang dumating ito sa kanila.
Ayon kay Jefrey, naalala niya umano na minsan din itong sumali sa ‘Sana all’ challenge sa social media kaya umasa ito na baka ito na raw iyon.
Ngunit, laking gulat na lamang umano ni Jefrey nang sabihin sa kanya ng driver na hindi pa bayad ang naturang mga pagkain. Kaya naman, bagama’t nagulat ay binayaran na lamang din ito nang netizen lalo na’t wala na rin itong ibang choice.
Ayon kay Jefrey, hindi niya umano alam kung matutuwa o magagalit ba sa naturang pangyayari. Oo nga’t natupad ang hinihiling nito na sana ay mayroong dumating na pagkain sa kanya ngunit, ito naman ang nagbayad imbes na maging libre.
Pinagkatuwaan na lamang ni Jefrey ang naturang karanasan na talaga namang nakapagpatawa rin sa maraming mga netizen. Biro pa nga nito, huwag na raw maniwala ang ibang mga netizen sa naturang challenge at baka kagaya ni Jefrey ay ito pa ang magbayad sa order o delivery na darating sa mga ito.
Sa ngayon, ang Facebook post na ito ni Jefrey ay umani na ng mahigit sa isang libong shares at reacts. Karamihan sa mga komento sa naturang post ay mga natatawa dahil sa naging karanasan ng netizen. ‘It’s a prank’ nga raw ang nangyari rito ani pa ng iba.
Pag-aalala namn ng iba, paano nalang daw kapag walang pera ang napagtripan na padalhan ng delivery edi wala daw itong maibabayad sa pagkain. Saad naman ng ilan, mabuti nalang din umano ang nangyari kay Jefrey kasi nabusog din naman daw ito sa pagkain.
Ikaw, nakaranas ka na rin ba na makatanggap ng libreng pagkain pagkatapos mag-share ng ‘Sana all’ sa social media? Ano naman ang iyong karanasan dito?
Source: kickerdaily
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment