Wednesday, July 22, 2020

Online Seller, Pinagtawanan ng Kaibigan Dahil Cheap Umano ang Online Selling


Sa Facebook, isang netizen at online seller ang nagbahagi ng kanyang hindi magandang karanasan sa kanyang kaibigan na sinabihan umano siyang cheap dahil sa kanyang pagiging online seller.

Maliban sa nakakagalit ang naging pahayag na ito sa kanya, mas nakakainsulto pa umano ang nangyari dahil ang kaibigang ito na kanyang tinutukoy ay mayroon pa palang utang sa kanya na hindi pa nababayaran.

Ayon kay Joy Anne Perez, sa messenger ay pinadalhan umano siya ng mensahe ng naturang kaibigan matapos siyang magbahagi sa social media ng kanyang mga paninda.

“Tinda pa rin Joy Ann? Kakasawa mga post mo girl sa totoo lang. Nakakatawa ka girl haha ano tinda tinda ka na lang? Sana kasi nagwork ka…

“Magwork ka na lang Joy Ann sure kapa sa income mo monthly hahaha nang hindi ka magmukhang cheap kakapost mo ng paninda online,” pang-iinsulta pa kay Joy ng naturang kaibigan.




Ayon kay Joy, hindi niya naman umano ugali na mag-post ng ganito sa social media ngunit, dahil sa mga pang-iinsulto ng naturang kaibigan sa kanya ay di niya na napigilan pang ibahagi ang mga larawan ng kanilang pinag-usapan sa social media.

Sagot naman ni Joy sa naturang kaibigan niya umano, kung ayaw niya umanong makita ang kanyang mga post ay malaya naman daw itong i-block o i-unfollow si Joy. Hindi niya naman umano hinihingi ang opinyon nito at wala rin siyang pake rito.

Dahil hiningi pa ng naturang kaibigan nito ang kanya umanong diploma na umano’y inaamag na, ibinahagi na rin ni Joy ang larawan ng kanyang diploma pati na rin ng kanyang COE, business permit, at maging passbook sa bangko.

Hindi katulad ng kaibigan, ayon kay Joy ay hindi umano nito kailangang magtarabho sa isang amo para lamang magkaroon ng buwanang kita. Kaya niya rin naman umanong kumita ng malaki nang walang boss na sinasamba.



Dahil na rin sa mga insulto na sinabi sa kanya nito, hindi na rin napigilan pa ni Joy na ungkatin ang naging pagkakautang umano sa kanya ng naturang kaibigan noong taong 2018 pa umano. Wala na raw sana siyang balak na alalahanin pa ito ngunit, dahil sa sinabi ng kaibigan ay ipinaalala niya na rin ito.

Saad pa rito ni Joy,

“Ang lupit mo friend. Hahahaha. Dami mo na masyado sinasabi. May income ka naman pala monthly eh. Kelan mo pala maaalala yung utang mo FRIEND? Ilang months lockdown ni hindi mo nagawang mangumusta ah…

“Remind ko lang, 2018 pa yung nahiram mo ha. Wag kang mag-alala. Hindi naman kita sinisingil. Kinalimutan ko na nga yon eh. Kaso gumawa ka ng dahilan para maalala ko.”

Hindi pa dito natatapos ang naturang kaibigan ni Joy dahil sinabihan pa umano siya nito na nanunumbat. Ani pa nito, hindi umano niya inaasahan na mao-offend si Joy sa kanyang mga sinabi.


Kakampi naman ni Joy ang mga netizen na sinabing ang kapal umano ng kaibigan nito na sabihan siyang cheap gayong ito pa pala umano ang mayroong utang na loob sa kanya. Hindi kinaya ng mga netizen ang lakas umano ng loob ng kaibigan ni Joy na siya pa pala umanong may atraso rito.

Huling mensahe naman ni Joy sa umano’y kaibigan niyang ito,

“Haba na masyado, tama na nga. See you soon na lang. Yung utang mo wag mo na bayaran. Ayuda ko na sa'yo yon. LABYU MAH FRIEND. HAMISYOOO. GOD BLESS YOUUUU!!!

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment