Wednesday, July 22, 2020

Transwoman Billionaire na Umano’y GF ni Clint Bondad, Sumagot sa mga Bashers na Patuloy Silang Binibweltahan


Diretsahan ang ginawang pagsagot ng Thai Transwoman at Billionaire na si Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip na umano’y rumored girlfriend ni Clint Bondad, ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, sa mga bashers na patuloy pa rin silang ginugulo matapos itong magsalita tungkol kay Clint.

Ilan sa mga bagay na kinlaro ni Anne ay ang umano’y totoo niyang relasyon sa dating Kapuso talent. Wala umano silang relasyon ni Clint dahil mabuti lamang silang magkaibigan. Aniya, tumitira umano ngayon si Clint kasama ni Anne at ng kanyang pamilya kaya ito malapit kay Clint na kanyang ipinagtatanggol.

“No need to talk about me as he would not dare to anyway. It’s not about me. It’s about his life with me in my house and I can’t stand for it when there is the misuse of media conducted by the person who you honor to be your brother…

“...not was living… is still living with me and my family loves him. We would like him to be successful in life. He’s a smart and nice gentleman,” magkahiwalay pang ani ni Anne.


Dahil sa mga cryptic Instagram stories na ibinahagi ni Clint, marami ang nag-aabang sa kung ano nga ba ang nais na isiwalat nito. Ngunit, sa isang diretsahang IG post, prangkang isinaad ni Anne na wala umanong ibig sabihin ang lahat ng ito kaya dapat na umanong tumigil ang lahat sa kakaabang kay Clint.

Nadadamay na rin kasi si Anne sa mga netizen na pinipilit siyang paaminin sa kung ano raw ang mga tinutukoy ni Clint. Magkasunod pa nitong pahayag,

“There is no tea to spill over!!! Stop this nonsense drama, everyone!!! I’m tired!!

“I will end this rubbish Peppermint tea drama!!! I don’t like it when people get fooled!!!

“I will clean up your DIRTY SECRET now!!! No more bulshit to the public please!!!”



Ayon kay Anne, napapagod na umano siya sa mga inilalabas ni Clint sa publiko kaya naman gusto niya na umanong wakasan ang mga pinaggagawa nito. Bagama’t ipinagtanggol niya ito, mayroon ding pagkakataon na tila hindi niya na rin nagugustuhan ang ginawa nitong pagpapa-paniwala sa publiko.

“I don’t want a PSYCHOPATH in my life. I’m tired of German sausage,” makahulugan pang pahayag ni Anne.

Sa mga IG post niyang ito na kanyang ibinahagi, hindi napapagod si Anne na isa-isang sagutin ang mga bwelta sa kanya ng mga netizen sa comment section. Marami sa mga ito ang sinasabing nagpapapansin lang umano si Anne ngunit, ani ni Anne ay wala umano siyang dahilan para gawin ito. Hindi niya na umano kailangan ng atensyon dahil dati na itong sikat hindi lamang sa Thailand.

“If I were his girlfriend, I don’t need to be jealous as he’s already with me in the house for more than 9 months now. Please read through all the comments. You will get it. I’m his sister and as well as the billionaire CEO with responsibility and kindness. If someone doesn’t do something right under my house, I would not tolerate for sure! Would you?


“Be mature. Not everything is about lust and s*x. It’s about what is right for other human beings,” bwelta pa nga ni Anne sa isa mga bashers sa kanyang IG post.

Si Anne ay minsan na umanong hinirang bilang kauna-unahang Transwoman Billionaire sa buong Asya. Ito ang CEO ng kompanyang JKN Global Media Public Company Limited o kilala rin sa tawag na Anne JKN na isang global content provider at channel operator ng iba’t-ibang TV series at movies.

Source: thedailysentry

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment