Friday, July 3, 2020

Pagkawala Ng Mga Panty Sa Mga Sampayan Ng Isang Lugar, Kinakatakutan Ng Mga Residente. Sino Kaya Ang Salarin?

Malaking palaisipan para sa mga residente ng Magpet, North Cotabato ang pagkawala umano ng kanilang mga damit panloob.

Ayon sa mga salaysay ng mga residenteng nakaranas nito, ang mga panty umano at bra na kanilang isinasampay tuwing pagkatapos maglaba ay basta nalang umanong nawawala.

Noong nakaraang taon pa umano ito nangyayari sa kanilang lugar ngunit hanggang ngayon, wala pa ring ideya ang mga residente kung sino ang nasa likod nito. Kahit na sa panahon ng lockdown ay hindi pa rin umano tumigil ang naturang pangyayari.

Hinala ng mga residente, mayroon talaga umanong magnanakaw ng mga damit panloob na ito ngunit, wala silang kaalam-alam kung sino at bakit ito ginagawa ng naturang tao.

“Nagsampay ako, hapon na. Nagtaka nalang ako kinabukasan, nawala na ang aking mga damit panloob,” saad pa ng residenteng si Rosemen Alia.

         Photo credit: KMJS

Lagpas na umano sa isang dosena ang dami ng bra at panty na nawawala kay Rosemen kaya naman, naniniguro na ito ngayon at sa loob na lamang ng banyo nagsasampay.

“Natatakot dahil baka hindi lang ganyan ang gawin. Baka iba na sa susunod,” dagdag pa nito tungkol sa pangayyari.

Isa lamang si Rosemen sa marami pang mga residente ng lugar na nakaranas ring mawalan ng mga damit panloob. Problema ito para sa kanila dahil malaking kawalan umano ang madalas nilang pagbili ng mga damit panloob dahil nga sa madalas rin itong nawawala.

Nakakabahala na rin umano ang maaaring dahilan kung bakit damit panloob talaga ang kinukuha at kung ano ang gaggawin dito ng kumukuha.

Kamakailan lamang umano ay mayroong namataan ang isang residente na isang lalaki na umano’y siyang kumukuha sa naturang mga damit panloob. Nakita raw ito na kumukuha nito ngunit, hindi naman nila ito nakilala dahil hindi umano nila nakita ang mukha.

            Photo credit: KMJS

Dahil dito, nagsagawa ng imbestigasyon ang mga kagawad ng naturang barangay upang hanapin ang hinihinalang suspek. Sa kanilang pag-iimbestiga, mayroon umanong nakapagturo kung saan nagtatago ang naturang lalaki na umano’y suspek sa kakaibang pangyayari na ito.

Ang lugar na ito ay isa umanong bakanteng lote na malapit lamang sa likod ng kanilang paaralan.

Ngunit, nang puntahan ito ng mga kagawad ng barangay ay hindi pa rin nila nakita ang naturang suspek. Nilibot na nila ang naturang lugar ngunit, walang anumang senyales na nandoon ang naturang suspek.
Gayunpaman, sa naturang lugar ay nagkalat naman ang iba’t-ibang mga damit panloob kung saan ang iba ay mukhang bago pa. Ang ilan naman sa mga ito ay nagkagutay-gutay na at nilulumot pa.

Ayon sa mga kapulisan, kapag napatunayang magnanakaw ang gumawa nito, maaari umanong maparusahan at makulong ang naturang suspek. Ito ay dahil ang pagkuha umano sa naturang mga damit panloob ay isang kaso pa rin ng pagnanakaw.

             Photo credit: KMJS

Ayon naman sa isang eksperto, maaaring ang taong gumagawa nito ay mayroon umanong sakit na ‘Fetishism Disorder. Sakit umano ito ng isang taong mayroong ‘intense sexual atraction’ sa isang bagay. Ang taong mayroon nito ay kailangan umanong sumailalim sa psychotherapy at uminom ng gamot.

Maliban dito, mayroon din umanong kaparehong pangyayari ang naganap sa Caloocan. Ngunit, nakuhanan naman ng CCTV ang pangyayari at agad nakilala ang suspek. Gumawa na rin ng aksyon tungkol dito ang biktima.
Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment