Nakakaawa at nakakagalit panoorin ang isang trending video na ito sa Facebook kung saan, isang matandang babae ang walang awang pinalayas sa bahay na umano’y tinutuluyan nito.
Sa naturang video, makikita si lola na nag-aayos ng kanyang mga gamit na patuloy na inihahagis dito ng isang mas nakababatang babae. Mula sa loob ng bahay, habang patuloy na ibinabato ang mga gamit ni lola ay panay rin ang sigaw ng naturang babae sa matanda.
Wala namang kalaban-laban si lola sa pinaggagawa sa kanya ng naturang babae. Tahimik lamang itong inaayos ang kanyang mga gamit. Paminsan-minsan, maririnig ang ilang pagsagot ni lola sa mga sigaw sa kanya ng babae ngunit, masyado itong mahina kaya hindi rin rinig sa video.
Kahit na umuulan, hindi nagpatinag ang naturang babae sa pagpapalayas sa matanda. Kaya naman, higit na nakakaawa si lola na nag-aayos ng kanyang mga inihagis na gamit habang panay ang patak ng ulan.
Hindi naman napigilan ng lalaking kumukuha ng video na ipagtanggol ang kawawang lola mula sa umano’y matapobreng babae na nagpapalayas dito.
“Pakita ka kasi ng titulo mo, hindi ‘yung puro ka kuda. Antayin mo nalang ‘yung desisyon ng korte. Hindi ‘yung puro ka kuda…
“Hindi makatao iyang ginagawa mo, pinapalayas mo ‘yung tao,” ani pa ng lalaki sa babaeng nagpapalayas sa matanda.
Dagdag pa niyang diin sa naturang babae, kahit nagsabi na umano ang barangay na hindi nito pwedeng palayasin si lola ay pinalayas pa rin ito ng naturang babae. Titulo umano ng lupa ang ipakita nito at hindi ang panay na pagsigaw sa kanya at kay lola.
“Oo, nakikitira. Ilang taon nagtrabaho ‘yan sa inyo, sinwelduhan niyo ba?... Makatao ba ‘yan?,” dagdag pa nito.
Ani pa ng lalaki, daig pa umano ng naturang babae ang totoong may-ari ng lupa gayong pare-pareho lang naman umano silang skwater sa naturang lugar. Paulit-ulit niya rin itong hinahamon na maglabas ng titulo ngunit wala itong naipakita.
“Pare-parehas lang naman tayong skwater d’yan! Kakapal ng mukha niyo. Kita n’yo ‘yung matanda… pinalayas niyo. Walang abiso, umuulan! Tatapon n’yo ang gamit!
“Tang*nang ugali ‘yan! Makakapagmura ka talaga nang ganyan,” saad pa nito sa nagpapalayas kay lola.
Agad na kumalat ang naturang video sa social media at nakuha ang atensyon ng maraming mga tao. Katulad ng lalaki, hindi rin napigilan ng ilang mga netizen na maglabas ng kanilang saloobin tungkol sa ginawa sa naturang matanda. Maging ang mga ito ay naawa rin kay lola at naghayag ng galit sa naturang babae na nagpalayas dito.
Heto ang ilan sa mga komentong iniwan ng mga netizen sa naturang viral video:
“Mata pobre Iyong may ari nang bahay. Mukha namang patay gutom... Sige lng nanay, may karma din darating sa mga hinayupak na y’an… Darating ang araw sila din ang palalayasin sa skwater na pinagtitirikan nila ngayon.”
“Kudos sa’yo kuya! At least pinagtanggol mo si Lola sa mga walang pusong ‘yan!”
“Hindi nila dapat pinalayas ang matanda, nakakaawa ‘yan. Dapat d’yan kinakasuhan o ipinapaTulfo nang madala mga ganyang tao. Ganid.”
“Walang awa nito. Alam nilang matanda na ginaganyan pa nila. Karmahin ka sanang babae ka. Ang yabang mo.”
Panoorin ng ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment