Kamakailan lang ay naging trending sa social media ang 20 taong gulang na aktres na si Bianca Umali nang dahil lamang sa isang larawan na ibinahagi nito sa Instagram nito lamang ika-25 ng Hulyo.
Ang isang simpleng larawan lamang sana ng Kapuso actress ay nilagyan ng malisya ng maraming mga netizen at inulan ng mga negatibo at hindi magandang mga salita sa comment section nito.
Sa larawan, dahil sa suot at ini-endorsong lipstick ay walang ibang inilagay na make-up ang aktres sa kanyang mukha. Kaya naman, kita ang pagliit ng mukha ni Bianca at pagkawala ng mga taba nito sa mukha na bunga ng ginawa nitong work-out at pagpapaganda ng katawan.
Ngunit, iba ang naging tingin dito ng mga malisyosong netizen. Inuugnay ng mga ito ang itsura ni Bianca sa naturang larawan sa karelasyon umano nitong si Ruru Madrid, 22 taong gulang at isa ring Kapuso actor.
Naging malisyoso, bastos, at mapanghusga ang mga komentong ito na ibinahagi ng mga netizen sa naturang larawan ni Bianca kaya hindi na napigilan pa ng aktor na ipagtanggol ang kanyang girfriend.
Inulan ng mga malalaswa at hindi magagandang mga opinyon ng mga netizen ang naturang Instagram post na maging si Ruru ay hindi na kinaya ang mga komentong ito at nagbahagi na rin ng pahayag.
“I dont know what's wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nag ddown sa atin,” ani pa nga ni Ruru tungkol sa mga taong mapanghusga at malisyoso ang isip.
Maliban dito, hindi na rin napigilan pa ni Ruru na sagutin ang ilan sa mga komentong sumusobra na sa panghuhusga kay Bianca at maging sa aktor.
Hindi nagdalawang-isip ang aktor na diretsahang sabihan ng ‘bastos’ ang isang netizen na nag-iwan ng komentong hindi na tama ang ipinahihiwatig.
Mayroon ding isang netizen na binatikos si Ruru dahil sa umano’y hindi nito tamang pag-aalaga sa girlfriend nitong si Bianca dahil sa nakikita nilang pagpayat nito. Hindi rin ito pinalagpas ni Ruru na sagutin. Ani pa ng aktor dito,
“sigurado ka dyan? Brad katawan nya yan, kung gusto nya magpapayat o magpalaki na sa kanya na yun labas na ako dun kasi labas na ako dun at dapat ganun ka din…
“Kesa yung kumikilatis ka ng katawan ng ibang tao kilatisin mong maiigi yung sarili mo brad. Dami na naghihirap sa mundo ganyan ka pa din. Baguhin mo na ugali mo!”
Hindi lamang si Ruru ang lakas-loob na ipinagtanggol ang aktres mula sa mga pambabatikos na ito ng mga netizen kay Bianca. Maraming mga netizen din ang hindi nagustuhan ang ginawang pag-atake ng mga bashers kay Bianca at ang ginawang panghuhusga ng mga ito sa kanya.
Hindi nagustuhan ng marami na kapwa mga babae pa umano ang humihila pababa kay Bianca imbes na suportahan ng mga ito ang isa’t-isa. Saad pa nga ng isa sa mga netizen tungkol dito,
“The audacity of some girls to post something about 'women empowerment' yet here they are, body shaming Bianca Umali. Her body, her rules. Pls leave her alone! Bianca umali is pretty! ‘Pag inggit, pikit!”
Source: PEP
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment