Thursday, July 2, 2020

Sino Nga Ba Si Miguel Antonio Cruz Na Ama Ng Ipinagbubuntis Ni Ryza Cenon


Marami ang nagulat sa naging anunsyo ng aktres na si Ryza Cenon nitong unang araw ng Hulyo. Inanunsyo ni Ryza sa publiko ang kanyang pagbubuntis na isa umanong baby boy.

Limang buwan na umano ang dinadala ng Kapamilya actres at masaya naman para sa kanya ang mga tagasuporta at pamilya nito.

Ngunit, sa anunsyong ito ni Ryza, ang unang tanong na sumagi sa publiko ay kung sino ang ama ng bata.

Kung matatandaan, huling nakarelasyon ni Ryza ay ang aktor na si Pocholo Barretto. Ngunit, Pebrero ng taong 2019 ay ipinaalam nito sa publiko na hiwalay na ang dalawa.

Matapos nito, wala nang napabalitang naging karelasyon ang aktres. Dahil dito kaya naiintriga ang marami kung sino ang boyfriend ngayon ni Ryza na ama rin ng kanyang magiging baby.

Kaya naman, kasabay ng kanyang pagsisiwalat sa publiko tungkol sa kanyang pagbubuntis, ipinakilala na rin ni Ryza ang kanyang karelasyon ngayon na siyang ama ng kanyang baby.



Ito ay si Miguel Antonio Cruz, isang Filipino cinematographer.

Ayon kay Ryza, si Miguel ay isa umanong pribadong tao. Isa ito sa mga dahilan kaya napagdesisyunan nilang dalawa dati na huwag isiwalat sa publiko ang kanilang relasyon.

Kamakailan lang, sa kanyang Instagram account ay mayroong mga larawang ibinahagi si Miguel. Isa dito ay ang larawan ng baby ultrasound ni Ryza habang ang isa naman ay larawan ng isang espesyal na sulat.

Ang sulat na ito ay para sa kanilang anak ni Ryza na galing umano sa pumanaw na ama ni Miguel. Sa naturang sulat, ipinakilala nito ang sarili sa kaniyang magiging apo kahit na ito umano ay wala na.

Ayon kay Miguel, sisiguraduhin niya umano na babasahin sa anak ang naturang sulat. Marami naman ang natuwa sa naturang kakaiba at espesyal na sulat.

Si Miguel ay mula sa Bacolod City ngunit nakabase na umano ito ngayon sa Maynila. Naging bahagi ito ng ilan sa pinakamalaking mga pelikula sa bansa bilang cinematographer.




Ito ang naging cinematographer ng mga pelikulang ‘T’yanak’ (2014), ‘The Girl in the Orange Dress’ (2018), at ‘Mission Unstapabol: The Don Identity’ (2019).

Ang pelikulang ‘T’yanak’ ay pinagbidahan dati ng magaling na aktres na si Judy Ann Santos. Naging bahagi naman ng pelikulang ‘The Girl in the Orange Dress’ sina Jericho Rosales at Jessy Mendiola habang ang ‘Mission Unstapabol: The Don Identity’ naman ay ang pelikula ni Bossing Vic Sotto kasama si Maine Mendoza.

Ayon sa kwento ni Ryza, nagkakilala umano sila ni Miguel noong isang taon habang ginagawa nito ang ‘The General’s Daughter’. Ipinakilala umano sila sa isa’t-isa ng kaibigan ni Ryza.

Dagdag pa nito, pitong buwan umano siyang niligawan ni Miguel bago maging sila.




Bagama’t handa na umano si Miguel na pakasalan si Ryza, mas gusto daw muna ng aktres na maging prayoridad ang kanilang paparating na anak. Hindi pa umano siya handa at ayaw niya rin umanong magmadali.

Ayon pa kay Ryza, mas gusto niya umano na mas tumibay pa ang kanilang relasyon bago sila tuluyang magdesisyon na magpakasal.

Source: showbiztrendz

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment