Thursday, July 30, 2020

Vice Ganda, Inaming Nawalan ng mga Proyekto Dahil sa Hinarap na Isyu ng ABS-CBN



Naging bukas sa publiko ang komedyanteng si Vice Ganda nang mapag-usapan sa huli nitong panayam ang tungkol sa kalagayan ng kanyang career ngayon.

Maliban sa pagkakaroon ng pandemya, ang nangyaring pagpapasara sa ABS-CBN ang isa rin sa dahilan kung bakit malaking bahagi ng mga proyekto na gagawin umano sana ni Vice ang hindi natuloy.

Kaya naman, ang dating abalang schedule ng sikat na komedyante ng ABS-CBN ay naging maluwag na.

Kung dati rati ay pinagsasabay ni Vice ang regular nitong programa na It’s Showtime at iba pa nitong mga proyekto kagaya ng mga concert at pelikula, ngayon umano ay It’s Showtime na lamang ang talagang pinagkakaabalahan ni Vice.


“Hindi ako makakapag-concert abroad. Kasi originally, sa taon na ito meron akong schedule na series of concerts sa ibang bansa. Pero since wala na yon malaking tipak ng oras ang nabalik sa akin,” saad pa nga nito sa isang panayam sa kanya ng PUSH.

Gayunpaman, kapag mas bumuti na umano ang sitwasyon ay sisiguarduhin nitong mas makakapagpasaya pa siya ng mga tao.

“Tapos hindi tayo masyadong busy ngayon. Pero pag naging busy na ulit, ano bang magiging pagkaka-busy-han – pelikula? Pero gagawa at gagawa tayo ng paraan kasi wala na rin naman akong ano, Showtime na lang naman ang ginagawa ko, so hindi namin gagawing madugo yung schedule para mapangatawanan namin ito,” dagdag pa ni Vice.


Para kay Vice, sa kabila umano ng mga nangyayari tulad ng isyu na kinarap ng ABS-CBN at ang paglaganap ng COVID-19, dahil sa mga taong malapit sa kanyang puso ay nakakaramdam pa rin naman ng saya at kapayapaan ang komedyante.


Binigyang diin nito ang presenya ng kanyang boyfriend na si Ion Perez, ang mga kasama niya sa It’s Showtime, ang kanyang pamilya, at ang madlang people na siya umanong nagbibigay sa kanya ngayon ng totoong kasiyahan. Saad pa nga nito,

“Si Ion (Perez), yung pamilya ko, yung Showtime, yung audience ko. Pero sa ngayon talaga ang makakapagpasaya sa akin na feeling ko sa ating lahat—peace… peace.

“Parang lahat tayo, yung kapayapaan natin nababahiran sa dami ng nangyayari sa paligid natin. Pero pag naramdaman natin yon, yung peace, ang laking saya non… malaking saya. Kaya pag may pagkakataon na hindi ako nagwo-worry yon yung mga panahong ang saya-saya ko.”

Noon paman, bukas sa publiko si Vice sa pagpapahayang ng kanyang saya sa tuwing nakakapaghatid ito ng tuwa sa mga taong malapit sa kanyang buhay lalo na ang madlang people.


Kaya naman, hindi na nakakapagtaka nang sabihin nito na nakakapagbigay ng kapayapaan sa kanyang buhay ang mga taong ito sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari sa paligid.

Sa kabila ng kinakaharap ngayon na malaking pagsubok ng ABS-CBN, si Vice ang isa sa mga artista ng Kapamilya Network na pinipilit at sinusubukan pa rin na maabot ang maraming mga Pilipino at makapagbigay rito ng saya.


Kahit na isa rin ito sa mga pinakaapektado ng kanilang kinakaharap na sitwasyon, sinisikap ng komedyante na makatulong sa kanyang mga kapwa empleyado rin ng ABS-CBN na nagbabadyang mawalan ng trabaho.

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment