Wednesday, July 22, 2020

Vice Ganda, Umalma sa Balitang Tinanggihan Umano Siya ng TV5 Dahil sa Laki ng Hinihingi Nitong Talent Fee


Ayon sa mga ulat na kumakalat ngayon sa social media, tinanggihan umano ng TV network na TV5 ang offer ng sikat na komedyanteng si Vice Ganda, o Jose Mari Viceral sa totoong buhay, dahil sa laki umano ng talent fee na hinihingi ng kampo nito.

Dahil sa nangyaring pagpapasara sa ABS-CBN, mayroon umanong naganap na negosasyon sa pagitan ng TV5 at ng kampo ni Vice para sa umano’y paglipat nito sa naturang network.

Ngunit, dahil umano sa alok ng kampo ng komedyante na once a week show ni Vice para sa bayad na Php 3 milyon buwan-buwan, tumanggi umano si Manny V. Pangilinan. Tinanggihan nito ang kampo ni Vice dahil sa mahal umano ng talent fee ng komedyante para lamang sa isang palabas sa isang linggo.

Ito umano ang dahilan kaya maglalabas na lamang si Vice ng sarili nitong digital network na ‘The Vice Ganda Network’. Dito, magkakaroon ng samu’t-saring shows si Vice kasama ng iba’t-ibang mga artista na iguguest nito.


Maliban umano sa programa nitong ‘Gabing-gabi na Vice’, magkakaroon din umano ng isang 10-episode sitcom, game show, mga documentary at iba pang mga palabas ang digital network ni Vice. Suportado rin umano si Vice ng ABS-CBN sa bago niyang platform.

“Hiningi ko ito ng basbas sa ABS-CBN kaya nagpapasalamat ako… I am so blessed that I was given the opportunity to work with the best people at ABS-CBN and Viva who shared their wisdom with me. Napapaligiran ako ng magagaling na tao,” saad pa nga ni Vice.

Bago pa man magsara ang ABS-CBN, maliban sa iba pa nitong mga show ay matatandaan na nagkaroon ng weeknight show si Vice na ‘Gandang Gabi Vice’ kung saan, umabot pa ng siyam na taon ang pag-ere. Dahil dito, hindi umano nalalayo na susuportahan din ng publiko ang bagong network ng komedyante.


Nakatakda nang magsimula ang kanyang bagong platfom nitong darating na ika-24 ng Hulyo. Isa umano sa mga unang panauhin ni Vice rito ay ang mga internet sensation na sina Donnalyn Bartolome at Sunshine Guimary, at ang iba pa umanong talent ng Viva gaya ng aktres at komedyanteng si Candy Pangilinan.

Sa mahigit siyam na milyong followers ni Vice sa Instagram, isa ito sa mga artista sa Pilipinas na pinaka-sinusuportahan ng mga Pilipino. Napatunayan na nito ang sarili sa telebisyon, online platform, at maging sa mga pelikula.

Dahil sa pagiging tanyag na komedyante ni Vice sa bansa, kumalat agad ang naturang balita na tinanggihan ito umano ng TV5 dahil sa masyadong mahal nitong bayad. Marami pa nga ang hindi napigilang umalma at magkomento sa naturang balita.


Ngunit, kamakailan lang ay nagsalita na ang komedyante tungkol sa naturang ulat. Sa Twitter at sa kanya umanong Instagram post, idiniin ni Vice sa publiko na hindi umano totoo ang kumakalat na balita.

Peke umano ang naturang mga ulat na nagkaroon ito ng negosasyon sa TV5 at tinanggihan siya ng network dahil sa laki ng hinihingi niyang talent fee.

“Mga ULUL! Mga bulaang ULUL!!! #PekFakeNews,” ani pa nga ni Vice tungkol dito.

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment