Ipenipetisyon ngayon ng gobernador ng Ilocos Sur na si Governor Ryan Luis Singson na maideklarang persona non grata sa lalawigan ang mga komedyanteng sina Long Mejia, Dagul Pastrana, at Gene Padilla.
Ito umano ay matapos ang hindi pagsunod ng tatlo sa quarantine protocols ng Ilocos Sur.
Ayon sa opisyal na pahayag na inilabas ni Gov. Singson nito lamang Linggo, nagpunta umano ang tatlo sa lungsod ng Sto. Domingo nang walang maayos na koordinasyon sa lokal na pamahalaan doon. Maliban pa umano ito sa ginawang paglabag ng tatlo sa quarantine protocol ng lalawigan.
“The unsanctioned visit and social activities in Sto. Domingo, Ilocos Sur of showbiz personalities Roberto Mejia a.k.a. Long Mejia, Romy Pastrana a.k.a Dagul Pastrana, Gene Baldivia a.k.a Gene Padilla along with their companions, without proper coordination with the LGU nor the PGIS COVID Action Center of Ilocos Sur, and with no legitimate purpose is an example of awful disregard of the existing quarantine rules of the Provincial Government…
“I STRONGLY CONDEMN THESE ACTIONS,” ani pa ni Gov. Singson.
Dagdag pa nito, ang ginawa umanong paglabag nina Long, Dagul, at Gene ay pagpapakita umano ng ‘arrogance’ at ‘impolitesness’ na hindi umano dapat ipagsawalang bahala. Bilang mga taong tinitingala ng maraming mga tao, dapat umano na maging magandang halimbawa ang mga ito sa pagsunod ng mga patakaran ngunit, salungat ang kanila raw ipinakita.
“Their refusal to undergo quarantine checkpoint protocols by evading checkpoint personnel is another manifestation of the violation of our laws, an exhibition of arrogance and impoliteness that should not be tolerated,” dagdag pa nito.
Kaya naman, hinihimok umano ngayon ni Gov. Singson ang Sanggunian Panlalawigan na magpasa ng isang resoluson kung saan, hihirangin ang tatlo bilang persona non grata sa Ilocos Sur. Paglalahad pa nga nito,
“I therefore call upon the Sangguniang Panlalawigan to urgently pass a Resolution declaring Long Mejia, Dagul Pastrana, and Gene Padilla persona non grata in Ilocos Sur…
“Their gesture is truly a disappointment undermining the police power of the LGU in the implementation of quarantine protocols during the time of the pandemic.”
Ayon pa kay Gov. Singson, ang maliit umano na sakripisyong hinihiling nila ngayon sa mga tao na pagsunod sa quarantine protocols ay mahalaga umano upang mapanatiling ligtas ang mga taga Ilocos Sur.
Sa kasalukuyan, ayon sa isang ulat ng ABS-CBN ay mayroon ng kabuuan na walong kaso ng COVID-19 ang Ilocos Sur. Apat sa mga ito ang gumaling na habang wala pa namang naiitalang namatay sa lugar.
Kaugnay nito, sa ngayon ay, wala pa umanong inilalabas na pahayag ang tatlong komedyante tungkol sa anunsyong ito ni Gov. Singson.
Kapag nagkataong matuloy ang pagiging personan non grata ng tatalo, madadagdag na sila sa listahan ng mga artistang una nang naging persona non grata sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Isa sa mga ito sina Ramon Bautista at Lea Navarro na ipinagbabawal nang tumapak sa Davao at General Santos City.
Source: gmanetwork
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment