Monday, August 31, 2020

Beauty Queen Sharifa Akeel, Mayroong Buwelta sa mga Paratang Dito ng Misis ni Cong. Toto Mangudadatu



Nagsalita na sa unang pagkakataon ang beauty queen at umano’y pinaparatangang ‘kabet’ na si Sharifa Akeel tungkol sa mga alegasyon na ibinabato sa kanya ni Mrs. Mylene Mangudadatu, ang misis ni Congressman Toto Mangudadatu.

Kung matatandaan, naging kontrobersyal si Sharifa nang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo si Mylene upang umano’y ireklamo ang beauty queen sa pagiging kalaguyo umano nito ng kanyang mister na si Cong. Mangudadatu.

Magmula nang pumutok ang naturang isyu, hindi pa nagsasalita ang beauty queen ngunit, nito lamang huling linggo ng Agosto ay binasag na ni Sharifa ang kanyang katahimikan.

Sa kanyang naging pahayag, tinawag nitong ‘Desperada’ si Mylene na umano’y walang tigil sa paninira sa kanya lalo na sa social media. Dito, hinamon niya rin si Mylene tungkol sa mga pagbabanta umano nito na kakasuhan siya ngunit hindi naman nangyayari.


Isa rin sa mga idiniin niya para rito ay ang paggamit umano nito sa social media para lamang makapanira sa kanya. Saad dito ni Sharifa, sana raw ay huwag nitong idaan sa social media ang mga hinaing nito sa kanya dahil mayroon umanong tamang lugar para magharap sila tungkol sa mga ibabato nito sa kanya.

Kung gugustuhin umano nito na magharap sila sa korte ay haharapin umano ito ni Sharifa. Kaya naman, hinahamon umano nito si Mylene na ilatag lahat ng ebidensya nito laban sa kanya, kung talagang mayroon man.


Heto ang naging buong pahayag ni Sharifa para kay Mylene at sa mga ibinabato nitong alegasyon laban sa kanya:

“To Miss Desperada, I am not tearing you down. You are the one bad-mouthing me, right, yet I remained silent after all that you did. I don’t even care about you. I compete with no one. I do what I need to do, if my posts threaten you, that’s your own issue.



“Ilang dummy na ba nagawa at nakausap mo? Wag kang magmamatapang sa social media. Yan lang ba kaya mong gawin? Puro paninira na lang? Puro pambubully? Puro pagyayabang? Bakit puro social media ka?? Akala ko ba kakasuhan mo ako?? Wag ka puro salita at pasikat.

“If you hate me, hate me alone. Don’t be out there lying about me trying to recruit people to hate me with you. I was born and raised in a poor family setting at hindi ako nagpapanggap, hindi ako umaapak sa estado ng buhay ng iba at higit sa lahat hindi ako nanghahamak ng kapwa.

“Also, I didn’t use anyone to be where I am now. I worked hard for these.. It’s you who did a good job of showing your true colors all on your own. Don’t blame me with your failed marriage and failed life. Blame your attitude that defines WHO YOU ARE right now.

“You feel perfectly entitled to push boundaries, lie and criticize. How dare you shout for women empowerment when you don’t even know how to empower your own. You can never be an idol of women because all you say is TRASH.


“One more thing, NEVER EVER USE ISLAM RELIGION as part of your defense because I know that you are ignorant in it.


“Again, if you are really brave enough, don’t do the fighting over social media. We have the right place and proper venue to do such.. You really want to see me behind bars then proceed to court and flaunt all your evidence, if there are. Express all your agony, hatred and false accusations in court. I will see you there!”

Source: whereinbacolod

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment