Engaged na ang aktres at Star Circle quest finalist na si Melissa Ricks sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay.
Nangyari ang surprise proposal na ito ni Michael kay Melissa nito lamang ika-29 ng Agosto sa Batangas, kung saan mga malapit na kaibigan at pamilya lamang nila ang naging saksi.
Ang Star Patrol anchor at malapit na kaibigan ni Melissa na si Gretchen Fullido ang isa sa mga unang nagbahagi ng pangyayaring ito sa publiko. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Gretchen ang magandang balita na ito tungkol sa kanyang kaibigan.
“My dearest @mellyricks09 & Michael Macatangay are engaged!!!
“The intimate surprise engagement happened in Batangas & witnessed by close family and friends. Love you Nini! Finally! Answered prayer! Thank you Lord!!!,” ani pa ni Gretchen.
Agad naman na nagpaabot rito ng pagbati ang mga artistang kaibigan at nakasama ni Melissa sa trabaho. Masayang inihayag ng mga ito ang kanilang tuwa para sa bagong kabanatang ito sa buhay ng aktres.
Ilan sa mga artistang ito na nagpahayag ng kanilang pagbati para kina Melissa ay sina Melai Francisco, Julia Montes, Hero Angeles, Mariel Padilla, Rita Avilla, Say Alonzo, Joross Gamboa, Charee Pineda, Alex Gonzaga, at iba pa.
Sa Instagram, matapos ang magandang pangyayari na ito sa kanyang buhay ay ibinahagi naman ni Melissa sa publiko kung paano umano nito nakilala si Michael sa mismong simbahan kung saan niya ito ipinagdasal.
Pagbabahagi pa ni Melissa sa kanilang love story,
“‘Your best days are still ahead of you’. This is what Direk Paolo Tesico ,a friend from church told me. Somehow this made me cry, I held on to that. That was 2 years ago, when I felt like everything was falling apart…
“That was when I turned to God, I knew that hindi niya ako papabayaan, hindi niya kami ni Kiera papabayaan. He was the one I could rely on… This led me to Jesus the Anointed One Church in Rosario, Batangas. Yes, that is 2 1/2 hrs away from where I live, but I made it a point to attend Sunday services there when I could, because there, somehow it felt like I was home, it felt right, I felt safe…
“In a separate prayer on one of my visits, nag baka sakali lang ako, actually it was more like a thought, ‘Lord, baka naman po may ma meet ako dito, ‘yung alam ang sakit, ‘yung napagdaanan na ang lahat, ‘yung masipag, ‘yung mabait, mahal ako and mahal anak ko, but most of all may takot sa diyos. Sana po may makatabi ko’. I smiled thinking as i prayed.
“A few months later, I walk into church, like I did every Sunday along with Kiera, and I sat in the front row... right next to Michael.”
Pinasalamatan din ni Melissa ang lahat ng mga tao na naging bahagi umano ng kanilang buhay ni Michael magmula nang makilala niya ito, tulad ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Pinasalamatan din ni Melissa ang mga taong nasa likod umano ng nangyari ritong surprise proposal na matagumpay na naisagawa.
Source: ABS CBN
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment