Kilala na sa social media si Xian Gaza matapos ang ilang beses nitong pagiging trending dahil sa iba’t-ibang mga rason.
Naging sikat ito dahil sa magarbong paraan niya ng pag-iimbita sa mga celebrity para lamang sa isang date at naging sikat din ito matapos bansagang ‘Pambansang Scammer’ ng publiko.
Kamakailan lang, umagaw na naman ng atensyon sa social media si Xian matapos ibahagi ang isa nitong Facebook post kung saan, proud pa ito sa ginawang pagpapapansin umano kay Angillyn Serano Gorens, ang American na misis ni Buboy Villar.
Sa naturang Facebook post, ibinahagi ni Xian ang ginawa nitong pagme-message kay Angillyn sa messenger. Dito, hihingin raw sana ni Xian ang opinyon ng misis ni Buboy tungkol sa suot nitong t-shirt at sombrero.
“Hingin ko sana opinyon mo if okay lang ‘yung cap ko at kung bagay ba sa shirt ko hahaha,” ani pa ni Xian.
Sumagot naman dito si Angillyn at binigyan ng ‘go’ signal si Xian. Matapos nito, agad nag-send dito ng larawan si Xian ng kanyang sarili kung saan, kapansin pansin ang isang malaking emoji na nilagay nito sa bandang maselang parte ng kanyang katawan.
Sa hindi rin malamang dahilan ay ngiting-ngiti rin itong si Xian sa naturang larawan. Dagdag pa nitong saad kay Angillyn,
“Ano okay lang ba? Bagay ba?”
Kapansin-pansin naman na walang kagana-gana kung sumagot si Angillyn kay Xian. Ngunit, sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pangungulit sa kanya ng umano’y scammer at sinabihan pa siyang ang sungit umano dahil sa ikli ng mga sagot nito sa kanya.
“Hahaha jinet ng uloooo mooooo… Ansunget mo po,” ani pa rito ni Xian.
Kaya naman, dahil marahil sa pangungulit at patuloy na pagpapapansin ni Xian ay mayroon ditong pasimpleng sinabi si Angillyn. Ani nito rito,
“Ako meron din ako sesend sayo. Gusto mo? Wait.”
Upang marahil ay tumigil at matahimik na si Xian, matapos nito ay isang larawan ng kanyang asawang si Buboy na pinapakita ang middle finger ang isinend dito ni Angillyn.
Kaya naman, sa naturang Facebook post, dahil sa nangyaring ito ay ay humingi umano ng tawad si Xian sa ginawa raw nitong ‘paglalandi’ sa asawa ni Buboy. Saad pa ni Xian,
“Lesson: ‘Huwag lumandi ng may asawa.’ I’m sorry Buboy Jr. Villar.”
Agad naman na naging trending at umani ng mga reaksyon ang Facebook post na ito ni Xian. Marami ang nagsabing buti nga umano at naturuan na ng leksyon si Xian dahil sa pagiging masyado na umano nitong papansin.
Bagama’t marami ang umano’y natuwa sa inabot ni Xian dahil sa mali nitong ginawa sa asawa ni Buboy, mayroon ding iba na hindi nagustuhan ang umano’y pagiging proud pa umano ni Xian sa kamalian nito.
“Sige konti pa. Mamaya bubulagta ka na lang sa kung saan,” saad at payo pa nga kay Xian ng isa sa mga netizen.
Kaya naman, ito marahil umano ang dahilan kung bakit burado na ang Facebook post ni Xian tungkol dito. Ngunit, sa kabila nito ay marami pa rin ang nagawang kumuha ng larawan ng Facebook post niyang ito kaya hindi pa rin nito naiwasan ang ilang mga pambabatikos sa kanya ng mga netizen.
Source: showbizphinsider
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment