Sunday, August 30, 2020

Andi Eigenmann, Buntis sa Kanyang Ikatlong Anak: ‘Baby #3 Coming 2021”



Masayang ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann ang magandang balita na siya ay buntis sa ikatlong pagkakataon. Ibinahagi niya ang masayang balitang ito sa kanyang pinakabagong vlog kung saan, ipinagdiwang nito ang kaarawan ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Sa naturang vlog, nagbigay ng mensahe si Andi para kay Philmar na hindi nito nakasama dahil nasa Maynila ngayon ang aktres habang si Philmar naman ay nasa isla ng Siargao.

Kaya naman, upang kahit papaano ay maipagdiwang pa rin nito ang kaarawan ni Philmar ay inihandog nito rito ang naturang vlog. Matapos niyang magbigay ng kanyang mensahe para sa karelasyon, inanunsyo na ni Andi ang magandang balita tungkol sa bagong miyembro ng kanilang masayang pamilya.

“Thank you so much mahal ko for everything. Because of you, I’m this happy and I have this wonderful life. I hope that you are happy to celebrate another year with us, your family.


“We can’t wait to go back there to the island and be complete again soon… with you, me, Ellie, Lilo and our newest happy islander on the way…

“I’m so happy to be building this family with you and I hope that you consider this an appeasing gift for you on your birthday. Happy birthday, mahal. We love you so much,” mensahe pa ni Andi kay Philmar.

Matapos nito, masayang ibinahagi at ipinakita ni Andi sa kanyang mga manonood ang kanyang baby bump.


Maliban sa naturang vlog ay masaya ring ibinahagi nina Philmar at Andi ang magandang balitang ito ng kanilang paparating na ‘baby’ sa Instagram.


“Another blessing coming in 2021.. I love you so much mahal ko @andieigengirl,” ani pa ni Philmar.

Agad naman na bumuhos ang mga pagbati para sa dalawa na galing sa kanilang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Ilan nga sa mga artistang nagpahayag ng pagbati para kina Andi ay sina Melai Francisco, Nikki Gil, Pauleen Luna-Sotto, Jessy Mendiola, Karla Estrada, mga beauy queen na sina Katarina Rodriguez at Rachel Peters, at iba pa.

Masayang-masaya hindi lamang ang mga ito kundi pati na rin ang mga tagasuporta ng aktres para sa bagong kabanata na ito sa buhay ni Andi. Ayon pa nga sa mga ito, hindi umano maikakaila ang saya na nararamdaman ni Andi para sa bagong biyaya na ito sa kanyang buhay.



Heto pa ang ilan sa mga pahayag na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa anunsyong ito ni Andi:

“Those smiles are so real. I am happy for you po and congrats for the incoming blessing. God bless you always!!!”

“We will witness the birth of the new islander. We just can't wait for it.”

“I literally cried when I heard the "happy islander" I am so happy for you Andi, Philmar, Ellie and Lilo! Thank you for sharing your simple but very beautiful and inspiring life with us.”


“Awww this is sooo sweet. Congrats sa new blessing!!! Lilo will be an Ate na, hindi na bunso and your tribe is growing. Keep spreading good vibes, love and happiness!!”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment