Saturday, August 8, 2020

Kalagayan Ngayon ni Mark Anthony Fernandez, Kamusta na nga ba?



Ang aktor na si Mark Anthony Fernandez ay isa sa maituturing na pinakamagaling sa pag-arte sa kanyang henerasyon. Ngunit, mula pa man noon ay hindi na tinantanan ng mga kontrobersiya si Mark Anthony na karaniwan ay may kinalaman sa personal nitong buhay.

Ilan sa mga kontrobersiya na bumalot sa aktor ay ang pagkakakulong nito dahil sa ilegal na droga at ang pakikitira na lamang umano ngayon ni Mark Anthony sa kanyang mga kaibigan. Ngayong panahon ng quarantine, tanong ng marami ay kung kamusta na nga ba si Mark Anthony Fernandez.

Sa isang panayam na pinaunlakan kamakailan lang ng aktor, isa sa mga nabanggit nito ay ang tungkol sa anim nitong anak na ayon sa aktor ay hindi niya umano nakikitang lahat.

Ayon sa aktor, nais niya umanong makasama ang mga ito at makabawi. Isa sa anim na anak ni Mark Anthony ay ang batang aktor na si Grae Fernandez.


“Nami-miss ko ang pamilya. Nami-miss ko yung pamilya ko na naghiwalay kami dahil seven years din kaming magkasama. Anim na ang lahat ng anak ko. Yung iba, malalaki na nang makilala ko.

“Hindi ko sila nakikita lahat, pero kasama nila ang mga mama nila. Ang pangarap ko, kapag nagkaroon ako ng maraming pera, by God’s will, gusto ko na magkakasama kami para makabawi ako sa kanila,” ayon pa sa aktor.

Si Mark Anthony ay anak ng mga tanyag ding artista na sina Alma Moreno at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez. Ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang ang siyang itunuturo ng karamihan na siya umanong dahilan ng pagkawala ng aktor sa tamang landas.


Ngunit, ayon kay Mark Anthony, ang kanyang mga pinagdaanan ay hindi naman umano bunga ng pagkakaroon nito ng hindi kompletong pamilya. Ani pa nito,


“Nung naghiwalay ang mama at papa ko, kumbaga, hindi ko problema iyon. Para sa akin, problema nila iyon. Nagpapasalamat ako dahil hindi naman sila nagkulang ng pagmamahal sa akin…’ yun ang importante.

“Ang importante, ang Diyos ang nasa sentro ng pamilya.”

Ang pananaw na ito ni Mark Anthony ay ibinahagi niya rin umano sa kanyang mga anak. Pinapaalalahan niya umano ang mga ito na hindi nakadepende sa iba ang kanilang buhay. Pagbabahagi pa ng aktor,

“Ang lagi kong sinasabi sa mga anak ko, 'Anak, ang pilosopiya ko—ang buhay, hindi ako, ikaw, o ang mama mo. Ang buhay, ikaw at ang minamahal mo na kasintahan. Yung romansa mo. Yun ang pinaka-importante…


“Yun ang buhay mo, hindi ako. Nandito lang ako para yakapin ka habang baby ka, pero kapag malaki ka na, ang buhay mo talaga, yung romansa mo.”

Sa ngayon, ayon kay Mark Anthony ay mayroon umano itong mabigat na pinagdadaanan sa kanyang pamilya. Nito umanong panahon ng pandemya, nagkaroon umano ng problema ang aktor at ang kanyang non-showbiz na karelasyon.

Sa naturang panayam, hindi idinetalye ni Mark Anthony ang tungkol sa naturang problema, ngunit, kaugnay nito ay nakikitira umano ngayon ang aktor sa isa nitong kaibigan sa Dau, Pampanga.


Ayaw na umanong ikwento ni Mark Anthony ang tungkol sa naturang problema, ngunit, gustong ipaabot ng aktor ang kanyang pasasalamat sa mga tao na tumulong umano sa kanya nitong panahon na mayroong ECQ.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment