Sunday, August 16, 2020

Pagpanaw ni Emman Nimedez, Ipinagluluksa rin ng mga Nakasama Nito sa Showbiz; Michelle Vito at Jairus Aquino, Nagbigay Pugay kay Emman


Pumanaw na sa edad na 27 taong gulang lamang ang vlogger at singer na si Emman Nimedez nitong madaling-araw ng Linggo, ika-16 ng Agosto.

Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang mga malalapit na kaibigan ni Emman lalo na sa Youtube Community at pati na rin ang kanyang mga taga-suporta.

Maliban sa pagiging isang vlogger, minsan ring lumabas sa telebisyon si Emman nang maging bahagi ito ng programang ‘Luv U’. Nakasama niya rito dati sina Nash Aguas, Jairus Aquino, Alexa Ilacad, Michelle Vito, at iba pang mga kasabayan nilang teen star.

Kaya naman, sa pagpanaw ng kanilang naging katrabaho at kaibigan ay nagbigay pugay kay Emman sina Michelle at Jairus.




Sa Instagram, ibinahagi ng dalawa ang kanilang pakikiramay para sa pamilya ni Emman. Dito, inalala rin nina Michelle at Jairus ang mga panahong nakasama nila ang kaibigan lalo na ang panahong magkasama ang mga ito sa ‘Luv U’.

Ayon kay Michelle, nagkausap pa umano sila ni Emma bago ito pumanaw. Isa umano ito sa mga taong napasaya ni Emman mula pa noon hangang ngayon.
⁣⁣
“sobra mo ako napapasaya during tapings natin before and even after that dahil sa mga achievements mo. tuwang tuwa ako sa personality meron ka. magkausap pa tayo before mangyari lahat ng to.. we will miss u
⁣⁣
“REST IN PEACE.⁣ mahal ka namin,” saad pa ni Michelle.




Nagbahagi rin si Michelle ng ilang mga larawan nila ng vlogger na siyang nagpapaalala sa kanilang pinagsamahan.

Gaya ni Michelle, mga larawan naman na magkasama sila sa ‘Luv U’ ang ibinahagi ni Jairus. Ayon sa aktor, patunay umano ang nga ito sa dami ng kanilang pinagsamahan. Kwento pa ni Jairus,

“isang patunay emman na marami na tayong napagsamahan…

“naalala ko pa nung kausap ko si @jomlabayen at sinabi niya sa akin na gusto ka daw niya ilagay sa isang episode niya sa luv u at sabi ko agad “oo brad solid siya!” tapos unang taping mo gumawa agad tayo ng content para sa channel mo.. hindi ko malilimutan lahat ng pagsasama natin sa bawat taping at sa lahat ng oras na andyan ka para sa akin, kwentuhan sa tawag o text..”

Dito, inalala rin ni Jairus ang kanilang pagkakaibigan ni Emman at kung paano umano nito napasaya ang mga tao sa kanilyang paligid.



“maraming salamat sa pagkakaibigan Emman, hinding hindi kita malilimutan at lahat ng saya na ibinigay mo sa akin at sa lahat ng tao na sa paligid mo. para sa akin isa kang alamat sa lahat ng mga nagawa mo.. mahal na mahal kita Emman, hanggang sa muli.. rest in power aking kaibigan,” dagdag ani pa ni Jairus para sa pumanaw na kaibigan.

Sa maikling panahon na nakasama ni Emman ang kanyang pamilya at mga kaibigan, hindi maikakaila na malaki ang naging epekto nito sa mga ito lalo na sa pagbibigay ng kasiyahan. Kaya naman, lubusang ipinagluluksa ng pamilya, kaibigan, at mga tagasuporta ni Emman ang kanyang pagkawala.

Sa isa sa mga vlog na ibinahagi ni Emman bago ito pumanaw, ibinahagi nito sa publiko ang kanyang pakikipaglaban sa cancer na acute myeloid leukemia.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment