Thursday, August 6, 2020

PANOORIN: Matandang Lalaki na Nanlilimos, Binigyan ng Pera at Pagkain ng Dalawang Sundalo!



Isang magandang tanawin ang nakunan ng video ng isang netizen na ngayon ay viral na sa social media.

Sa naturang video, mapapanood lang naman ang ipinamalas na kabutihang loob ng dalawang sundalo sa isang matanda na lumapit sa kanila.

Habang sakay ng isang sasakyan ang dalawang sundalo, mayroong isang matanda na lumapit sa mga ito. Hawak ang isang sako na puno ng laman sa kanyang balikat, makikita at mahahalata na hindi gaanong maayos ang pamumuhay na mayroon ang naturang matanda.

Hindi man marinig sa video, makikita na kinausap ng matanda ang isa sa mga sundalo. Ngunit, ilang sandali lamang ay makikitang humugot ng pera ang naturang sundalo at iniabot ito sa matanda. Hindi lamang ito ang ginawa ng naturang mga sundalo dahil kumuha rin ito ng mga tinapay mula sa mga pinamili nito at ibinigay rin sa matanda.


Ayon sa kumuha ng naturang viral video, kakagaling lamang umano ng naturang mga sundalo sa pagbili ng mga pagkain sa pamilihan. Sa kanyang nasaksihan, nanlilimos umano ang naturang matanda sa dalawang sundalo na siya namang agad na tinulungan ng mga ito.

Dahil dito, hindi umano maiwasan ng naturang netizen na matuwa sa naturang pangyayari. Bagama’t kadalasan ay inilalarawan bilang malalakas at striktong mga tao ang mga sundalo, sa naturang video ay makikita na maging ang mga ito ay mayroon ding malalambot na puso.


Kaya naman, saludo sa dalawang sundalo sa video ang naturang netizen dahil sa pambihirang kabutihan na kanilang ipinamalas.

Naging viral ang naturang video sa social media at umani ng maraming mga papuri ang dalawang sundalo sa naturang pangyayari. Marami ang natuwa sa ipinamalas ng mga ito at umani ng maraming mga pagsaludo.


Maliban sa malalim na pagmamahal sa bayan, ang ipinamalas ng naturang mga sundalo ay isa na naman umanong dahilan upang mas maging kahanga-hanga pa ang mga ito.

Maliban sa libu-libong mga reaksyon at shares na naani ng naturang video, inulan din ito ng mga komento kung saan panay papuri rin ang ipinaabot ng mga netizen.

Heto ang ilan sa mga positibong komento na ibinahagi hindi lamang para sa dalawang sundalo kundi para na rin umano sa iba pang mga miyembro ng kasundaluhan.

“Magandang halimbawa. Good job!! Good bless our soldiers!! God bless our AFP. “

“Napakalaki ng respeto ko sa army kasi sila ang tunay na patriotic at tapat sila sa trabaho nila. Mabuhay ang buong Phil. Army.”


“Karamihan kasi ng nagsusundalo nakaranas ng hirap, mula sa sariling buhay at sa pagtraining, lalo na kung enlisted personnel. Kaya alam namin ‘yan kung paanu magutom. Salute sa’yo brother.”

“Isa kang tunay na mandirigma, sir. Salute you. Hindi nakikita sa pagkalabit ng gatilyo o sa dami ng napatay ang pagiging isang bayani. Pero ‘pag nasa puso mo ‘to na isa kang Pilipino, kahit sa simpleng paraan ay bayani ka.”


“My high respect, admiration and gratitude is always in you. So proud of the Philippine Army! Salute! May the Lord bless, protect and lead you all. Salute to all the AFP's!”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment