Friday, August 14, 2020

Throwback Picture ni Jodi Sta. Maria, Ikinagulat ng Maraming Netizen; Mukha ng Aktres, Wala Umanong Ipinagbago


Ika-12 ng Agosto ng ibahagi ng aktres na si Jodi Sta. Maria ang larawan niyang ito sa Instagram na talaga namang umani ng maraming mga papuri galing sa mga netizen.

Ayon sa aktres, ang nasabing larawan ay nakunan umano noon pang 1998. Ngunit, marami ang namangha dahil mukhang wala umanong pinagbago ang hitsura ngayon ni Jodi mula sa naturang larawan.

Pagbabahagi pa ng aktres, ang throwback picture niyang ito ay kinunan noong nagsismula pa lamang ang kanyang karera sa showbiz. Kabado nga umano siya sa naturang larawan ngunit nagawa niya pa ring kumalma at ngumiti sa kamera.

“1998. Yung kalmang kalma ka kunwari sa picture pero hindi ka makapaniwala at halos mamatay ka na sa kilig nung pictorial dahil magiging artista ka na,” ani pa ni Jodi.

Mahigit dalawang dekada matapos nito, ang mukha umano ni Jodi ay mukhang hindi man lang tumanda dahil sa parehong-pareho umano ito sa naturang larawan.


Kaya naman, hinangaan ito ng maraming netizen at inulan ng maraming papuri. Napabilib umano ang mga ito sa ganda na mayroon ang aktres mula pa man noon at mapa-hanggang ngayon.

Ani pa ng ibang mga netizen, kahit noong ‘Tabing-ilog’ pa man umano ay idolo na umano nila ang aktres at masaya ang mga ito na hanggang ngayon ay isa pa rin ito sa maituturing na pinakamahusay sa kanyang henerasyon.

Sang-ayon naman dito ang ibang mga netizen kaya naman, maliban sa kakaiba at ‘timeless’ na ganda ni Jodi, pinuri rin ang aktres dahil sa galing umano nito sa kanyang larangan. Hindi nga raw maikakaila na isa si Jodi sa mga pinakamagagaling na artista mula noon hanggang ngayon.

Maging ang mga artista na kaibigan ni Jodi ay hindi rin mapigilan na mapahanga sa aktres sa larawan niyang ito. Ilan na nga sa mga ito sina Julia Montes, Bela Padilla, at Gretchen Fullido.


Heto pa ang ilan sa mga komento na ibinahagi ng mga taga-suporta ni Jodi sa Instagram post niyang ito:

“at ngayon hindi ka nalang basta artista, isa kang napaka galing na artista na napakadaming sumusuporta at isa na ako dun. waaaaah ang cute mo naman ate, Iloveyou always!!”

“Ang ganda talaga ni Jodi kahit noon pa. And I love that she quietly deals with her issues kahit dinurog na siya. Stay Classy, Jodi!”

“AT NGAYON ISA KANANG PINAKA MAHUSAY AT MAGALING NA ARTISTA”

“My goodness! Parang hindi tumanda kasi halos ganyan pa rin hitsura nya ngayon.”

“And you turn out to be a brilliant actress in your generation!”


Sa ilang taon ni Jodi sa industriya ng showbiz, naging bahagi at naging bida na ito ng maraming mga teleserye at pelikula. Nabigyan na din ito ng mga parangal dahil sa kakaibang galing nito sa pag-arte.

Ilan sa mga hindi malilimutang mga pagganap ni Jodi ay nang maging bahagi ito ng mga programang ‘Be Careful With My Heart’, ‘100 Days to Heaven’, at ‘Pangako Sa’Yo’. Ilan lamang ang mga teleseryeng ito ni Jodi na talaga namang tumatak sa mga manonood.

Sa ngayon, maliban sa patuloy na pag-arte, masaya at inspirasyon ngayon si Jodi dahil sa tahimik nitong buhay kasama ang anak.

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment