Sunday, August 23, 2020

Tim Sawyer at China Roces, Nag-away sa FB Live!



Marami ang nagulat ng mapanood ang burado na ngayong FB Live nina Tim Sawyer at ng partner nitong si China Roces kung saan, makikita ang mainit na away ng dalawa.

Sa naturang FB Live, inilabas ni China ang kanya umanong mga saloobin tungkol kay Tim na ayon dito ay balak na umano silang iwan ng anak.

Maaanghang na mga salita ang binitiwan ng dalawa sa isa’t-isa at maiinit na mga rebelasyon din ang kanilang isiniwalat.

Ayon kay China, ngayong may pera na umano ang partner ay balak na umano siyang iwan nito at ang kanyang anak. Sa katunayan, bumibili na raw ng bahay at sasakyan ngayon si Tim. Ani pa ni China,

“Ikaw, anong sabi mo ngayon? Kaya mo na kaming iwan! Dahil may pera ka na! Totoo naman talaga noong una… four years sa buong buhay mo, tapos ngayon iiwan mo kami? Mahiya ako? Ikaw ang mahiya!”


Ang tinutukoy rito ni China ay ang mga taon umano na naging ‘palamunin’ si Tim sa kanila.

“Kasi, ayaw niyang mabawasan ‘yung pera na kakarampot na kailangan ko na pinagtrabahuan naming dalawa. At anytime, pwede na siyang umalis. Pwede na siyang umalis dito dahil bumibili na siya ng bahay, bumibili na siya ng kotse,” paulit-ulit pang saad ni China.

Ani pa ni China, nambabae pa umano si Tim na siyang dahilan kung bakit muntik na siyang mapa-anak noong buntis ito. Ito umano ay matapos niyang mahuli si Tim na nambababae.

Kahit na buntis umano noon si China, lumuwas umano siya ng Maynila para sa kanilang negosyo ngunit, nalaman niya umano na bumili pa ng bagong cellphone sa Tim para makontak at makipagkita sa babae nito.



“Makikipagkita na sana siya kaso pauwi na ako, eh. Nag-away kami nun. Nagkagulo kami dito kasi nahuli ko siya. Kaya ako malapit mapaanak nun kasi nagkasakitan kaming dalawa,” kwento pa ni China.

Mabigat pang akusasyon rito ni China, ginagamit lamang umano silang dalawa ng kanyang anak ni Tim upang makuha nito ang lahat ng kanyang gusto.

Ayon naman kay Tim, sinungaling umano si China dahil hindi totoo na sinasaktan niya ito. Sa katunayan, ito pa nga umano ang nananakit sa kanya. Ani pa nga ni Tim,

“Baby, palagi mo akong sinasaktan. ‘Yan ang totoong dahilan, baby, kaya ang tagal ko na gustong makipaghiwalay sa’yo. Kasi nananakit ka!

“Oo totoo, nasaktan din kita dati, pero bakit kita nasaktan… nananakit ka ng mga lalaki!”

Ngunit, paggigiit naman ni China, manloloko at sinungaling umano si Tim. Binubugbog umano siya nito sa kabila pa ng mga pambababae ni Tim.


“Ganyan ka naman magaling, eh. Nagpapaawa ka, eh.

“Niloloko mo ako. Kapag may babae kang nakikilala na akala mo na maganda, mayaman, iniiwan mo ‘ko. Niloloko mo ‘ko. Hindi ako nananakit ng mga lalaki,” muli pang saad ni China.

Ayon kay China, nasilaw na umano ang partner sa pera kaya ginagawa niya ang mga ito sa kanila.


Sa ngayon, ang Live video na ito nina China at Tim ay burado na sa Facebook. Ngunit, marami sa mga netizen ang nakapagrekord nito kaya naman sa ngayon ay kalat na kalat na sa social media ang naging away at sagutang ito ng dalawa.

Panoorin ang buong video sa baba!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment