Thursday, August 20, 2020

TINGNAN: Ang Mga Larawan ni Dr. Jose Rizal sa Nakaraan na Bihirang Nakikita ng Publiko



Pangkaraniwan na sa mga Pilipino ang makakita ng mga larawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Mula sa mga aklat sa paaralan hanggang sa mga museo, madalas na makita ang larawan ni Rizal.

Hindi rin nawawala ang larawan nito lalo na sa mga pagdiriwang na may kaugnay sa kanya tulad ng ‘Araw ng mga Bayani’ tuwing huling Lunes ng Agosto at ang ‘Rizal Day’ tuwing ika-30 ng Disyembre.

Ngunit, kahit na madalas na nating nakikita ang mga larawan na ito ni Rizal at sigurado ay kilalang kilala na ng lahat ang mukha ng ating pambansang bayani, mayroon pa ring mga larawan si Rizal na bihirang makita ng publiko.

Karamihan sa mga larawan na ito ay mga larawan ni Rizal habang siya ay nasa ibang bansa tulad ng London at Hong Kong.




Kadalasan, ang mga larawan ni Rizal na nakikita ng publiko ay iyong pormal na pormal ang kanyang mukha at kasuotan. Ngunit, alam mo ba na mayroon din itong larawan na nakangiti at kaswal lamang sa kamera?

Mayroon ding mga larawan si Rizal kasama ang ibang mga estudyante sa ‘Casa Tomasina’ kung saan ito tumira habang nag-aaral sa Unibersidad ng Sto Tomas. Ang namamahala ng Casa Tomasina ay ang kanyang tiyuhin na si Antonio Rivera.


Mayroon din itong larawan kung saan kasama nito sina Juan Luna at Felix Resureccion Hidalgo. Napakabihira ng larawan na ito dahil hindi ito masyadong naibahagi sa publiko.

Maliban kina Luna at Resureccion, mayroon ding mga larawan si Rizal kung saan ang nakasama naman nito ay sina Marcelo H. Del Pilar, Mariano Ponce, Trinidad Hermenegildo, Pardo de Tavera, at Felix Pardo de Tavera.




Mayroon din itong kakaibang larawan kasama naman sina Maria De La Paz Pardo De Tavera at ang mga kaibigan nitong mga babae.

Alam ng lahat na nag-aral si Rizal bilang isang doktor sa mata na ang isa sa pangunahing dahilan ay upang magamot nito ang kaniyang nanay. Sa edad lamang na 23, nagtapos sa pag-aaral nito si Rizal sa Universidad Central de Madrid at pinalawak pa ang kaniyang pag-aaral sa mga bansang France at Germany.

Ngunit, bagama’t madalas nababanggit ang tungkol sa propesyong ito ni Rizal, bihira lamang ang mga aklat na nagpapakita ng mga larawan ni Rizal habang mayroong ginagamot.

Kaya naman, ang larawang ito ni Rizal habang ginagamot ang mata ng isang pasyente ay napaka-espesyal sa kasaysayan.


Isa pang kakaibang larawan ay itong larawan na nagpapakita ng isang piknik na dinaluhan ni Rizal habang ito’y nasa Paris.



Mayroon ding naitabing mga larawan noong bata pa lamang si Rizal at noong ito’y 14 na taong gulang pa lamang.

Maging ang mga ‘close-up shots’ na ito ni Rizal ay makikita rin ang kaibahan mula sa mga pangkaraniwan nitong mga larawan.

Ang ilan pa sa mga kakaibang larawan ni Rizal ay mga larawan naman nito kasama pa ang iba nitong mga kaibigan na parehong mula sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Ang mga larawang ito ng ating pambansang bayani ay mayroong malaking papel sa kasaysayan. Kaya naman, nararapat lamang na alagaan ang mga ito at nang makita pa ang naturang mga larawan ng mga susunod na henerasyon.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment