Thursday, August 20, 2020

Kapuso Aktor, Isa pala sa Pamangkin ni Piolo Pascual; Ibinahagi sa mga netizens ang Unang Pagkikita Nila!



Isang pangyayari dati ang ibinahagi ng Kapuso actor na si Benjamin Alves na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Sa naturang larawan na ibinahagi ni Benjamin, makikita na kasama nito ang aktor rin na si Piolo Pascual. Ayon sa Kapuso actor, nakunan umano ang naturang larawan noong unang beses na nagkita sila ni Piolo.

Pamangkin ni Piolo si Benjamin na siya umanong nagkumbinse sa huli na subukan din na pumasok sa showbiz. Nang mga panahong iyon, sikat na sa industriya ng showbiz si Piolo.

Pagbibiro pa ni Benjamin, ang pagkikita umano nilang iyon ni Piolo ang dahilan kung bakit niya inahit ang bigote nito na makikita pa sa naturang larawan.


“Throwback to the first time I met Kuya @piolo_pascual.

“After this I decided to shave that ridiculous mustache and try my luck in showbiz…,” pagbabahagi pa ng aktor.

Nag-iwan naman ng komento sa naturang larawan si Piolo at sinabing hindi nalang daw sana nito inahit ang kanyang bigote.

Sagot naman ni Benjamin, mabuti na lang din daw iyon kasi baka raw mapagkamalan pa siyang Tito ni Piolo.


“@piolo_pascual Baka pagkamalan ako Tito mo,” pagbibiro pa ni Benjamin.


Marami naman ang natuwa sa ‘throwback picture’ na ito nina Benjamin at Piolo. Ayon sa mga ito, pareho umanong gwapo ang mag-tiyuhin kahit bagets na bagets pa umano ang mga itsura roon ng mga ito.

Mayroon ding mga biro mula sa mga kaibigan ni Benjamin at sinabing mas gwapo umano sa larawan ang Kapuso actor. Kagaya ng aktor, mayroon ding mga biro tungkol sa bigote rito ni Benjamin. Saad pa ng ilan sa mga ito,

“That mustache game is on point!”

“Mabuti na lang inahit mo. Chos!”

“That mustache was classic BJ!”

Mayroon namang iba na napansin ang tungkol sa itsura umano rito ni Benjamin. Ani ng mga ito, mayroon umanong pagkakahawig ang kabataan ni Benjamin sa anak ni Piolo na sa Inigo Pascual.

Gayunpaman, ang hindi maitatanggi ay ang parehong pagiging gwapo umano nina Benjamin at Piolo. Hindi nga maikakaila na sina Benjamin at Piolo ang dalawa sa pinaka-tinitilian ng mga kababaehan sa showbiz.


Bago maging ganap na artista sa GMA, galing Guam ay umuwi ng Pilipinas si Benjamin upang subukan ang modelling sa bansa. Una itong nakilala bilang si Vince Sadana ngunit, matapos lamang ang ilang paglabas sa telebisyon ay bumalik sa ibang bansa si Benjamin at ipinagpatuloy ang pag-aaral.

Taong 2012 nang magtapos si Benjamin sa University of Guam na may degree ng English Literature. Sa parehong taon rin ay naging bahagi o cast naman si Benjamin ng remake ng Korean series na Coffee Prince sa GMA.

Mula dito, sunod-sunod na ang mga proyekto na ginawa ni Benjamin sa telebisyon. Ilan sa mga programang naging bahagi ang aktor ay ang ‘Guni-guni’, ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’, ‘Adarna’, ‘Beautiful Strangers’, at ‘Sahaya’.


Bago ang kanyang kasalukuyang karelasyon na si Chelsea Robato, naging karelasyon din ni Benjamin ang Kapuso actress at singer na si Julie Ann San Jose.

Source: GMANetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment