Nakakamangha ang nangyari sa surfboard na ito na nanggaling pa sa Hawaii at natagpuan sa Pilipinas matapos ang dalawang taon. Mahigit sa 8,430 kilometro lang naman umano ang nilakbay ng surfboard na ito bago makarating sa Pilipinas!
Ang surfboard na ito ay pagmamay-ari ng surfer na si Doug Falter mula Hawaii. Ayon kay Doug, paborito niya umano naturang surfboard ngunit, nawala ito ng minsang anurin ng alon habang siya’y nagsu-surf.
“The board came off my leg. I climb all the way across the rocks as far as I could to see if I could find it… and I couldn’t. I was really upset,” pagkukwento pa ni Doug.
Upang mahanap ang surfboard, ginawa umano ni Doug ang lahat tulad ng pagpopost sa Facebook at Instagram, pagtatanong-tanong, at maging paglalagay ng mga sign sa dalampasigan para lamang mahanap ito. Ngunit, hindi na ito nahanap pa ng surfer.
Ayon kay Doug, ang mga palatandaan umano sa natura niyang surfboard ay ang asul nitong kulay, ang guhit na elepante rito, ang nakasulat na pangalan ng gumawa ng surfboard, at ang kanya mismong pangalan.
Sa Saranggani naman sa Davao Occidental, isang mangingisda ang umano’y nakakita ng isang palutang-lutang na surfboard. Nang makuha mula sa dagat, ibinenta niya umano ito sa isang guro na si Giovanne Branzuela.
Nabili niya umano ang naturang surfboard sa mangingisda sa halagang Php 2,000. Bilang isang guro an nadestino sa isang isla, naisip umano ni Giovanne na maging libangan ang naturang surfboard.
Ngunit, nang minsang hinananap niya sa Facebook ang pangalang nakasulat sa surfboard, dito niya na natuklasan na ito ay ang nawawalang surfboard ni Doug na mula pa sa Hawaii. Reaksyon naman dito ni Giovanne,
“Nalungkot po ako kasi nagustuhan ko ‘yung surfboard niya… kasi habang lumalaki ‘yung mga anak ko, kung sakaling gusto nila ng ganitong sports ay mayroon akong maibigay sa kanila.”
Gayunpaman, bagama’t medyo nalungkot ay kung gugustuhin umano ni Doug na maibalik ang surfboard sa Hawaii, naiintindihan niya umano ito.
Para naman kay Doug, masaya ito na nakitang muli ang kanyang surfboard at gusto niyang alagaan ito ng maayos. Ngunit, kung gusto umano ni Giovanne na gamitin ang surfboard ay matutuwa umano ito na ibigay na lamang sa guro ang paboritong surfboard.
“I was honestly relieved because I didn’t know what happened to my board. Now I know, it is actually pretty amazing…
“It would be amazing. It would be incredible to have the board back. I would keep it on the wall and wouldn’t use it…
“But, if he wants it… he can have it. I’m okay with that. I think he should use it,” ani naman ni Doug tungkol sa kanyang surfboard.
Dahil dito, natuwa si Giovanne na hindi na kailangan pang maibalik sa Hawaii ang naturang sufboard. Ngunit, sa kabila nito ay iginiit ng guro na ipapadala niya umano sa Hawaii ang naturang surfboard kapag nagkaroon ng pagkakataon dahil alam niya umano ang halaga nito para kay Doug.
Sa ngayon, kampante na ang loob ng dalawa sa kasalukuyang kondisyon ngayon ng sufboard na nilakbay ang karagatan mula Hawaii paputang Pilipinas.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment