Wednesday, August 26, 2020

Babae, Dismayado sa isang Tattoo Artist dahil sa Kinalalabasan ng Pagpapatattoo sa kanyang Kilay!



Sa Facebook, hindi na napigilan pa ng netizen na ito na ilabas ang pagkakadismaya at sama ng loob sa isa umanong lalaki na siyang nag-tattoo ng kanyang kilay.

Ayon sa naturang netizen, malaki umano ang pagsisisi niya na nagtiwala sa siya sa umano’y tattoo artist na ito dahil sa hindi kaaya-ayang resulta ng ginawa nitong permanent tattoo sa kanyang kilay.

Dahil sa kagustuhan na magkaroon ng magandang kilay, nais umano na subukan ng netizen na ito ang pagpapalagay ng tattoo sa kanyang kilay. Base sa mga larawan ng pag-uusap nito sa naturang lalaki, makikita naman na siniguro nito sa netizen na maganda umano ang magiging resulta ng pagta-tattoo nito sa kanyang kilay.

Ngunit, ang inaasahang kilay na maipagmamalaki sana ng netizen na ito ay nauwi umano sa pagkakapahiya dahil puro kantyaw umano ang inabot niya dahil sa kilay na kanyang ipina-tattoo.


Sa mga larawan na ibinahagi ng netizen na ito, makikita ang pagiging makapal ng kanyang kilay na tattoo at hindi pa umano ito pantay. Kaya naman, dahil dito ay nahihiya na umanong lumabas pa ang naturang netizen sa kanilang bahay.

Dahil sa nakitang resulta ng nangyari, sinubukan umano nito na muling ma-contact ang lalaki upang maayos ang kanyang kilay. Sumagot naman umano ito at pinayuhan siya na ipagpatuloy lamang umano ang paglalagay ng petroleum jelly upang mabawasan ang kapal ng kanyang tattoo sa kilay.

Dagdag pa nito, hindi pa raw umano kasi tuluyang gumagaling o naghihilom ang tattoo kaya raw ganoon pa ito kakapal. Pauli-ulit din nitong sinabi na pagkatiwalaan umano siya ng netizen dahil sigurado ito na maganda ang magiging resulta.


Ngunit, ilang araw na umano ang lumipas ay hindi pa rin nawawala ang pagiging makapal ng tattoo sa kanyang kilay at wala man lang umanong nagbago.


Katwiran naman ng lalaki, kaya umano nagkaganoon ang kapal ng kanyang pagkaka-tattoo ay dahil din naman umano sa netizen. Masyado raw kasi itong malikot noong nilalagyan niya ito ng tattoo.

Sa naturang Facebook post, ayon sa netizen ay binlock na umano siya ng nasabing tattoo artist kaya ganoon na lamang ang galit nito rito. Obligasyon umano ng naturang lalaki ang nangyari sa kanya kaya wala itong karapatan na tumakas at pagtaguan siya.

Dito, nagbanta ang naturang netizen na ipahahanap umano ang naturang lalaki kapag hindi pa rin ito nagpakita upang ayusin ang nilagay nitong tattoo sa kanyang kilay. Maliban dito, ipinaalala rin ng netizen na maaari niya umano itong idemanda dahil sa ginawa nito sa kanya.


Ang Facebook post na ito ay agad namang naging viral sa social media at umani na nga ng mahigit sa 9000 reaksyon. Nasa mahigit 20 000 naman ang shares na nakakalap nito kaya naman kalat na kalat na ito sa social media.


Bagama’t marami ang natawa dahil sa resulta ng nangyari, hindi pa rin maikakaila ng mga ito na isa nga umanong panloloko ang nangyari na dapat lamang umanong panagutan ng naturang lalaki.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment