Tuesday, August 25, 2020

Zeinab Harake, Nakisali na Rin sa Twitter War Nina Buknoy at Awra!



Isang vlogger at social media influencer na naman ang nasali sa nangyayaring twitter war sa pagitan nina Awra at Buknoy.

Ang sagutang ito ng dalawa ay nagsimula nang kinondena ni Awra ang mga ginawang paglabag ng umano’y vlogger na si Buknoy sa video nito kung saan, makikita itong naglalakad sa kalsada sa gitna ng gabi nang wala man lang suot na face mask.

Ang simpleng pagpaparinig ni Awra kay Buknoy ay nauwi sa mainit na sagutan ng mga ito sa Twitter at sa pagpapalitan ng malalamang mga pahayag para sa isa’t-isa.

Habang tumatagal naman ang bangayan na ito nina Awra at Buknoy, mayroon na ring mga tao na nasasali. Kanya-kanya na ring kampihan ng panig ang mga ito kung saan, di hamak na mas lamang umano si Awra.


Isa sa mga personalidad na ito na nasali na rin sa sagutan ng dalawa ay ang vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake. Sa isang sunod-sunod na Twitter post, ipinahayag ni Zeinab ang kanya umanong pagsuporta kay Awra.

“ngayon pabait kang p*ta ka nakakayamot amp*ta bihira ko magsalita pero ansarap mong kotongan,” saad pa umano ni Zeinab sa isa mga tweet nito para kay Buknoy.

Bago si Zeinab, una na ring nakisali sa bangayang ito si Marlou Arizala o Xander Ford na kumampi naman kay Buknoy. Ngunit, imbes na umani ng mga kakampi ay mas lalo lamang na binatikos si Buknoy dahil sa pakikipag-ugnayan pa umano nito kay Marlou.


Nang unang maging trending si Buknoy dahil sa kontrobersyal na video niyang ito, agad itong umani ng mga pambabatikos sa mga netizen at pinutakte ng mga basher. Kaya naman, dahil sa malinaw na pagkakamaling ito ni Buknoy, hindi na rin napigilan pa ni Awra na magreact at paringgan ito.


“SANA ALL NAKAKALABAS NG WALANG FACEMASK, SANA ALL NASUNOD SA PROTOCOL AT SANA ALL WALANG CURFEW YUNG LUGAR,” ani pa ni Awra kay Buknoy.

Hindi naman nagustuhan ni Buknoy ang ginawang ito ni Awra kaya pinaratangan niya ito na umano’y sinisiraan siya.

“Laki talaga ng galit saken ng isang influencer Dyan,imbis na idm ako para Sabihan na mali ako siniraan panga,” ani naman ni Buknoy patungkol kay Awra.

Dito na nagsimula ang sagutan ng dalawa na talaga namang sinubaybayan ng mga netizen.

Ayon sa mga netizen, kahit ano pa umano ang sabihin ni Buknoy ay mali umano ang ginawa nito kaya walang masama sa sinabi ni Awra patungkol sa kanya. Imbes na palakihin pa ang gulo, bakit hindi na lamang umano ito huminigi ng tawad upang matapos na ang gulo.


Bunga nito, mas lalo lamang umanong pinalaki ni Buknoy ang galit sa kanya ng mga tao dahil ipinaglalaban pa umano nito ang mga mali nitong ginawa.

Hindi na talaga umano ito natuto nang una itong ma-bash dahil naman sa napaka-insensitibo nitong pahayag dati patungkol naman sa mga tricycle driver. Ang nais lang naman umano ng publiko ay maging responsable at maging magandang halimbawa umano si Buknoy lalo na’t naturingan pa umano itong isang vlogger.


Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment