Tuesday, August 25, 2020

Arnold Clavio, Nagkaroon ng Relasyon at Nagka-anak pa kay Sarah Balabagan!


Nito lamang nakaraang mga araw, nagulantang ang publiko sa isang rebelasyon na isiniwalat ni Sarah Balabagan, ang OFW na tinangkang gahasain dati ng kanyang amo noong 1994, sa kanyang Facebook Live.

Ang kaso ni Sarah ay tinutukan dati ng medya kung saan, matapos itong tangkain na gahasain ng kanyang amo sa UAE ay napaslang niya ito. Mula sa hatol na kamatayan ay nasubaybayan ng lahat kung paanong napababa ang hatol ni Sarah hanggang sa tuluyan na itong napauwi sa Pilipinas.

Taong 1996 nang tuluyan itong makauwi sa bansa sa edad lamang na 17. Ngunit, hindi nagtagal ay kumalat naman ang balita na nabuntis umano si Sarah at hindi nito inamin kung sino ang ama.

Makalipas ang mahigit sa 20 taon, isiniwalat na sa publiko ni Sarah kung sino nga ba talaga ang ama ng kanyang panganay. Ito umano ay ang batikang mamamahayag ng GMA na si Arnold Clavio.


“Ang ama po ng panangay ko ay, yes, si Arnold Clavio po. Siya po ang ama ng panganay ko… Alam ko po nagkasala po ako,” pag-amin pa ni Sarah.

Ayon sa dating OFW, napalapit umano ang loob niya dati kay Arnold na siyang eksklusibong nag-cover sa nangyari sa kanya noon. Nagkaroon umano sila ng relasyon nito ngunit, mayroon umanong mahigpit na paalala sa kanya dati ang mamamahayag.

“Alam niyo po, magmula nang magkaroon kami ng relasyon ni Arnold, ang payo niya sa akin, walang aminan. Yun agad. 'Kahit anong mangyari, huwag ka aamin.'

“I was 17 years old nung panahong iyon. Talagang napaniwala niya ako. But again, hindi ko i-justify yung kasalanan kong nagawa,” saad pa ni Sarah.

21 taong gulang na umano ngayon ang anak nina Sarah at Arnold. Pagkukwento pa nito tungkol sa pagkakalapit nang kanyang loob dati kay Arnold,


“Siya po yung isang tao na kauna-unahang pagkakataon na nagpasyal sa akin sa Manila. Siya din po kauna-unahang tao nagyaya sa akin o nagdala sa akin manood ng sine sa Maynila. Ako naman po, tuwang-tuwa.”

Dahil sa nangyari, humingi umano ng tawad si Sarah sa maybahay at mga anak ni Arnold dahil alam umano nito na malaking pagkakamali ang kanyang nagawa. Napatawad na rin umano siya ng mga ito at nagpapasalamat siya dahil sa pag-iintindi umano ng asawa ni Arnold sa nangyari.

Ayon naman kay Sarah, napatawad na rin umano niya ang mamamahayag sa ginawa at nangyari sa kanila dati. Ani nito,

“Alam niyo po, sa totoo lang, nakapag-move on na ako. Napatawad ko na noon pa man si Arnold Clavio. Lalo na nung nakakakilala ako sa Panginoon.

“Hindi po madaling magpatawad, pero by God's grace, napatawad ko po siya, dahil po, of ourse, kailangan ko yun gawin para makapag-move on na ako.”


Sa naturang Facebook live, nilinaw din ni Sarah ang mga pangalan ng mga taong minsan ding pinaghinalaan na siyang ama ng kayang panganay tulad nina William Gatchalian at Roy Seneres. Ayon kay Sarah, wala umanong ibang ipinakita sa kanya ang mga taong ito kundi kabutihan at pagtulong sa kanya.

Sa paglalahad nito ng tunay na nangyari at ng katotohanan, nais lamang umano ni Sarah na matapos na ang mga spekulasyon ng mga tao tungkol sa nangyari sa kanya dati. Nais niya na rin umanong bigyan ng katahimikan ang mga haka-haka tungkol sa tunay na ama ng kanyang panganay.

Source: PEP
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment