Tuesday, September 8, 2020

Apat na Lalaki, Arestado Matapos ang Kanilang Ginawang ‘Prank’



Hindi nagustuhan ng kapulisan ang ginawang ‘prank’ ng apat na lalaking ito sa Valenzuela City kung saan, isinilid nila sa isang sako ang isa nilang kasama at iniwan sa gilid ng kalsada.

Ayon sa ulat, ipa-prank daw ng lalaking nasa loob ng sako ang mga taong dadaan habang kinukunan ito ng video ng mga nagtatago nitong kasamahan. Matapos nito, ipo-post daw ng naturang apat na lalaki ang kanilang ‘prank’ sa social media.

Ngunit, ang isang katuwaan lang sana ay nauwi sa pagkaaresto sa kanila ng mga pulis sa Valenzuela Police Station. Ayon sa mga pulis, nagdulot daw ng alarma sa publiko ang ginawang prank na ito ng naturang mga kalalakihan.

Habang ginagawa ang prank, isang nababahalang indibidwal umano ang nakakita sa lalaking nasa sako sa gilid ng kalsada sa may Barangay Paso del Blas. Dahilan umano ito upang idulog niya sa mga pulis ang nangyari at nauwi na nga sa tuluyang pagkahuli sa apat.


Ayon sa mga pulis, bukod sa reklamo ng pagdudulot ng mga ito ng alarm and scandal sa publiko, sasampahin din umano ang apat ng paglabag sa mga ordinansa tungkol sa quarantine pass at social distancing.

Imbes na katuwaan at kasiyahan ang maging resulta ng sana’y ‘issa prank’, kulungan ang naging bagsak ng apat dahil sa hindi raw responsable at pagiging hindi maganda ng kanilang biro.

Agad naman na naging trending ang ulat na ito kung saan, hindi mapigilan ng mga netizen na matawa sa kinahinatnan umano ng naturang apat na lalaki. Ayon sa mga ito, nararapat lang din daw na turuan ng leksyon ang mga ito dahil sa pagiging sobra na umano ng kanilang prank para lamang mayroong maibahagi sa social media.

Biro pa ng mga netizen, nahulog umano ang apat sa sarili nilang prank na mas grabe pa umano ang kinahinatnan.




Heto pa ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen tungkol dito:

“Prank video of this please. Include nyo na rin paano kayo hinuli ng mga awtoridad.”

“Yung iba dito ayaw sa prank, pero kapag nakakapanuod ng prank videos mga tuwang tuwa. Sa mga nakasuhan, wait nyo baka PRANK lang din yan.”

“Para lang kumita for the views kaya nagawa nila ‘yan kaso over acting na lalo’t nasa public space. Dapat sa mga ‘yan, dalhin sa crocodile farm pero wag iprank. Totohanin na!”

“Himas rehas tuloy kayo ano? Prank pa more! Sa huli naman talaga ang pagsisisi.”

“Sana ibang prank nalang ginawa nyo na may kabuluhan. ‘Yung ikakasaya naman o may pagtulong pa din sa tao kasi naa-abala nyo pa ang mga tao sa gingawa nyo. Atsaka sa dami ng krimen na nangyayari sa ating bansa, parang binabalik nyo sa ala-ala ang lahat. Ang pagkakamali may kaukulang parusa.”



Sana raw ay magsilbi itong aral sa iba pang mga netizen at kabataan na huwag isaalang-alang ang kaligtasan at iba pang mas importanteng bagay para lamang sa atensyon na nais nitong makuha sa social media.


Ituring daw sana itong babala para sa mga tao na mas binibigyang halaga ang mga gawain sa social media tulad ng mga prank videos na maaaring magresulta sa pagkakakulong ng mga ito.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment