Wednesday, September 9, 2020

Dahilan ng Muntikan Nang Paghihiwalay Dati Nina Maegan Young at Mikael Daez, Alamin Dito!


Ang mag-asawa na ngayong sina Mikael Daez at Maegan Young ang isa mga relasyon na hinahangaan ng publiko hindi lamang dahil sa tibay ng kanilang relasyon kundi pati na rin dahil sa pagiging pribado ng mga ito.

Sampung taon na naging magkarelasyon ang dalawa bago ikinasal kamakailan lang. Ngunit, sa kabila ng ilang taon na pagiging magboyfriend-girlfriend nina Maegan at parehong pagiging artista, hindi kailanman o bihira lamang na nagkaroon ng ingay o isyu ang kanilang relasyon.

Kaya naman, ganun na lamang ang paghanga sa dalawang ito ng publiko. Sa kabila ng mahabang taon na pagiging magkarelasyon, hindi pa rin maikakaila ang pagmamahal na mayroon ang mga ito sa isa’t-isa.

Ngunit, ang hindi alam ng publiko ay ang muntikan na umanong paghihiwalay noon ng dalawa dahil sa sobrang pagiging ‘clingy’ umano ni Maegan kay Mikael. Ito ang kanilang inilahad sa pinakabago nilang podcast.


Ayon kay Maegan, inaamin nito na dumating sa puntong ginawa niyang kanyang mundo si Mikael at naisasakripisyo na nito ang kanyang sarili para sa kanilang relasyon.

“I literally made you my world....

“It also came to a point that I wasn’t seeing my friends, I wasn’t hanging with my family enough, I wasn’t even doing things for myself,” ani pa ni Maegan.

Para kay Mikael, ayaw niya umano na nawawala na ang personal na pagkatao at ‘growth’ ni Maegan dahil sa kanilang relasyon.

“She was losing herself. She’s sacrificing herself, her own personal growth for our relationship, and that didn’t sit well with me. I wanted Bonezy (tawag niya sa asawa) to grow individually…


“I saw Bonezy as someone in the future who I didn’t want to be with, because she wasn’t growing independently or as an individual. That was the closest of us breaking up,” ani pa ni Mikael.

Ganito kalaki ang pagpapahalaga ni Mikael sa kanya-kanya nilang personal growth ni Maegan kaya hindi naging maayos sa kanya ang sitwasyon nilang iyon. Ani pa nga ni Maegan tungkol dito,

“He couldn’t see me as the Megan that he saw when we were dating.”

Para kay Mikael, mayroon umanong tatlong elemento ang isang relasyon na dapat ay pantay pantay na pinahahalagahan.

“There are two individuals, that’s you and me and then the relationship. I see those things as three separate entities…


“And anytime that you lose sight of taking care of any one of those entities, then you kind of parang ruin the balance,” pagbabahagi pa ni Mikael.

Ngunit, matagumpay na nalampasan ng dalawa ang sitwasyong iyon sa kanilang relasyon na nakatulong pa upang mas mapagtibay silang dalawa ni Maegan na magkasama.

“During the lowest of our lows, I think being able to converse and persevere, that’s our way of keeping the fire burning,” dagdag pa ni Mikael.

Ikinasal sina Mikael at Megan nito lamang Enero ng kasalukuyang taon sa Subic. Pribado ang kanilang naging kasalan na inilabas lamang sa publiko matapos ang seremonya. Ngunit, ilang araw bago ito ay nagkaroon pa ng mas pribadong kasalan ang dalawa sa Batangas kung saan, sampung tao lamang ang dumalo.

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment