Wednesday, September 9, 2020

Nawawalang Donasyon Umano Para Kay John Regala, Saan nga ba Napunta?


Sa isa sa mga pagkakataon kung saan humarap sa media ang aktor na si John Regala, inihayag nito ang tungkol umano sa mga donasyon para sa kanya na ayon sa aktor ay hindi niya umano nahawakan.

Kaya naman, tanong ni Regala ay kung nasaan na umano ang mga perang ito na mula sa mga donasyon na pinamahalaan nina Nadia Montenegro, Astor Amoyo, at Chuckie Dreyfus.

Ang pahayag na ito ni Regala ay lumabas matapos ang ginawang pagtigil nina Dreyfus na tumulong sa gamutan ng aktor dahil umano sa ilang mga dahilan tulad na lamang ng pagiging ‘uncooperative’ umano ni Regala bilang isang pasyente.

Upang malinawan tungkol sa hinaing na ito ni Regala, nagsalita sa programa ni Raffy Tulfo si Dreyfus upang ipaliwanag ang lahat tungkol sa mga natanggap nilang donasyon para sa gamutan ni Regala.


Ayon kay Dreyfus, lahat umano ng perang donasyon na dumaan sa kanila ay napunta sa mga gastusin ni Regala sa ospital at pati na rin ng mga gamot nito. Dagdag pa ni Dreyfus, nang magdesisyon silang bitawan ang pagtulong sa aktor ay ibinigay umano nila rito ang lahat ng perang natira sa pamamagitan ng bank account nito.

Taliwas sa pahayag ni Regala na wala itong natanggap na pruweba tulad ng bank transfer o kahit listahan man lang ng mga taong nagbigay sa kanya ng donasyon, ayon kay Dreyfus ay kompleto umano ang mga dokumento at resibo ng bank transfer na meron sila ngunit ibinigay nila ito sa dating assistant ng aktor na si Teddy Imperial.

Ngunit, lumayas na umano sa poder ni Regala si Imperial. Sa panayam na iyon, nakatakada sanang magsalita si Imperial tungkol sa naturang isyu ngunit, pinigilan ito ni Tulfo.

Ayon kasi kay Tulfo, dahil sa ginawang pagtakas ni Imperial ay mukhang hindi umano mapagkakatiwalaan ang sasabihin nito lalo na’t mayroon umano itong mga paninira na sasabihin laban kay Regala.


“Si Sir Teddy, ayan magsasalita pero now for me, mukhang sira na kaagad ang credibility nito because sa kanya ibinigay ‘yung mga resibo and then mukhang mayroon daw siyang sasabihin na hindi maganda.  I think, this is not the right time, we have to investigate Sir Teddy muna.

“Sorry Sir Teddy ha, kasi ang pagkasabi sa akin marami ka raw sasabihing na masasama against Mr. Regala, I’m not gonna allow that simply because tumakas ka kasi ‘yung mga resibo na supposed to be ipapakita mo kay Sir John na galing kay Mr. Chuckie na mga donasyon tinakas mo at hindi mo ibinigay for whatever reason. Ikaw lang ang nakakaalam ngayon.

“You’ll gonna say a lot of bad things about Mr. Regala, imbestigahan muna kita Sir Teddy ha, kasi tumakas ka, eh.  Meron ka dapat ipapaliwanag muna, I’m gonna take muna ‘yung mga sasabihin mo.  Pagkatapos ka naming imbestigahan at nalaman namin ang pagkatao mo, then saka namin kayo pagsasalitain,” saad pa ni Tulfo.



Para ay Tulfo, kailangan muna nitong paimbestigahan ang dating assistant ng aktor bago ito tuluyang magsalita ng anuman na handa umano nitong isiwalat.

Kaya naman, hinihintay na ngayon ng publiko kung ano nga ba ang mga pasabog na ito ni Imperial at kung ano nga ba ang katotohanan sa likod ng umano’y nawawalang mga donasyon para kay Regala.

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment